^

Pang Movies

Erwin Tulfo nagpaka-naughty sa radio program

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa

Very naughty ang dating ni Erwin Tulfo sa kanyang show na Aksyon sa Radio 5 (TV5). Sex life ng isang mekaniko na si Mang Kanor kasi ang pinag-usapan. Sumulat si Mang Kanor at humihingi ng payo dahil kapag gabi ay dinededma na ng kanyang misis ang mga kalabit nito.

Sabi ni Sir Erwin na kausap ang doctor/adviser, baka raw nagsawa na ang misis nito dahil noong kabataan nila ay maya’t maya ang kanilang paglalampungan. Humirit pa ito na baka raw madaan sa pagsubok ng ibang posisyon o style ang kanilang pagtatalik. Pero hindi na masyadong in-explain nina Sir Erwin kung ano ang mga style na nabanggit nila at tawa sila nang tawa.

Ginagawa mo siguro no Sir Erwin? Aminin!

Robin Hood ni Dingdong ‘wag sanang lumaylay ang istorya

Hindi kami magtataka kung mataas ang rating ng first night airing ng Alyas Robin Hood sa GMA, dahil talagang inabangan ito ng televiewers. Bale kasunod din kasi ito ng Encantadia, kaya tutok sila sa Alyas Robin Hood.

Nagsimula ang kuwento sa kabataan ni Robin Hood. Ang mga gumanap na magulang ng batang Robin Hood ay sina Christopher de Leon at Jaclyn Jose.

Masyadong kinawawa ng kapitbahay sina Dingdong na malakas sa kanilang barangay. Sa totoong buhay kasi, nangyayari talaga ang mga ito lalo na kung kapos ka buhay. Dito nag-ugat ang paghihiganti ng ating bida.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with