^

Pang Movies

Angel ratsada na naman

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

‘Kaaliw ang mga komento ng netizens kay Angel Locin nang mag-scuba diving ito kamakailan sa Anilao, Batangas.

Okey lang sa followers niya na sumisid ang aktres sa ilalim ng dagat kahit mag-isa basta masaya ito. Huwag lang daw sanang biglang lumitaw si Valentina sa paligid kasama ang bago nitong dyowa.

Hiling pa ng fans, sana raw ay wag gayahin ni Valentina ang ganitong mga trip ni Angel.

Hindi man banggitin ng fans ni Angel ang pa­ngalan ay tiyak na si Jessy Mendiola ang kanilang pinatatamaan na Valentina.

Samantala, rejoicing ng fans ni Angel sa balitang siya pa rin ang napipisil na lilipad bilang Darna.

Wish din ng fans ni Angel na mapanood na sana nila sa madaling panahon ang aktres na na-miss nila ng sobra.

Inamin naman ni Angel sa isang interview na pinayagan na siya ng kanyang doktor na magtrabaho at magbuhat basta light lang pero tuloy pa rin siya sa kanyang therapy. Hindi rin mapigil ni Angel ang sarili na hindi magtrabaho o maging busy dahil feeling niya ay mas mapapabilis siya sa paggaling kung tuluy-tuloy ang kanyang pagkilos.

Nag-aalala lang ang ibang fans dahil magkasunod na ginawa ni Angel ang hiking at diving. Baka raw naman bumalik ang sakit niya dahil doon.

Ilan sa mga huling aktibidad ni Angel ay ang pag-akyat sa Mt. Pinatubo at ang scuba diving sa Batangas. May ginagawang pelikula rin si Angel locsin kasama si Zanjoe Marudo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with