^

Pang Movies

Gustong idistansiya ang relasyon, Dennis ayaw makatrabaho si Jennylyn

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Malungkot at hindi makapaniwala si Dennis Trillo na naka-sixteen weeks na sila ng comedy-sexy drama series nilang  Juan Happy Love Story (JHLS) nila ni Heart Evangelista at finale na nila sa Biyernes.

“Nakakalungkot, nakakabigla na naka-sixteen weeks na pala kami,” sabi ni Dennis.  “Naiiba kasi ang story nitong JHLS dahil first time rin namin ni Heart na nag-comedy. Ako, iba naman ang ipinakita ko rito bilang isang lala­king mahilig sa chicks, nang magkaasawa, ang mga mali niyang ginagawa, madali niyang inaamin. Iyon ang maganda sa story namin, anumang pagkakamali ng mga lead characters, itinatama agad sa eksena.”

Ganoon din ba siya off-camera? Halimbawa, sila ni Jennylyn Mercado, kung may konting tampuhan, madali ba nilang naaayos?

“Ma-sorry po akong tao, ayaw ko na may nasasaktan ako, kaya kung meron mang konting ‘di pagkakaintindihan, aayu­sin namin agad.  Depende rin kung sino may kasalanan na siyang unang babati.  Pero kung hindi siya talaga willing makipagbati, ako na unang bumabati. Hindi na kami mga bata.”

Pero paano niya nabibigyan ng time si Jennylyn kung tulad ngayon na very busy siya dahil may ginagawa pa siyang movie bukod sa JHLS?

“Time management po lamang, kailangang humanap ako ng oras para magkasama kami, maliban na lamang kung siya rin ay very busy ang schedule.”

Wala pang susunod na project si Dennis after ng kanilang serye, kaya may nagtanong sa kanya na kung sakali ba ay papayag siyang sila ni Jennylyn ang magtambal sa Pinoy adaptation ng Koreanovelang My Love From The Star dahil wala pang leading man na nakukuha for Jennylyn?

“Depende po siguro. Kasi gusto ko munang mag-concentrate ngayon sa paggawa ng movies. Tinatapos ko pa itong Bakit Lahat ng Guwapo may Girlfriend with Anne Curtis sa Viva Films.  Rest muna ako dahil hindi rin kami matutuloy sa heartthrob concert namin sa New York.  Kaya kung tatanggap ako ng bagong soap, by January, 2017 na siguro iyon.”

Maine gusto nang mag-asawa at magkaanak

Muling naglabas ng blog niya si Maine Mendoza last Sunday, August 28, titled SUNDAY CURRENTLY I 08 na siyempre ay muli niyang binanggit ang happiness niya noong finally ay napanood na rin niya ng live ang rock band na Coldplay with Chris Martin.  Heto ang ilan sa bahagi ng blog ni Maine.

“There are only 4 major things that I look forward to in this life: 1. See Coldplay perform live 2. Get married 3. Have kids 4. Be lost.

Simple lang.  I am not even kidding with number 1.  Number 2 and 3 comes with living a happy and fruitful life-I hope.  Number 4? Nevermind, but I know some of you are looking forward to it as well. “evil laugh?”

Hi, hi! Anyway, I am also feeling hungry.  Food, anybody? (favorite, ni Maine ang ramen, kaya lang that evening daw ay twice na siyang kumain, Laksa request niya).

Sa lahat yata ng love team ang AlDub ang gusto ng fans na magpakasal at magkaanak at ngayon nga ay patuloy pa rin daw nilang susuportahan at mamahalin ang kanilang mga idolo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with