^

Pang Movies

Chammy na naman Angelica at Angel parang hindi nagkasakitan sa shooting noon!

YSTAR - Baby E - Pang-masa

Obvious, Salve A., na gaano man kalalim ng sugat, in the true sense of the word man o may kinalaman sa damdamin ng isang tao ay tiyak maghihilom din ito.

Na siyang nangyari kina Angel Locsin at Ange­lica Panganiban sa pelikulang One More Try.

Sa isang eksena ng One More Try, matindi silang nag-aaway na siguro sa hindi inaasahang pangyayari ay nauwi sa bodily harm sa part ni Angel Locsin.

Ewan kung ano ang nangyari pagkatapos ng away, Salve A., basta, hindi na lang nagkibuan ang dalawa.

Hanggang lately nakarating sa amin ang balitang nagkaayos ang dalawa at close na ulit.

Pareho silang busy sa pelikulang kani-kanilang ginagawa.

And guess what, makakasama nila ang mga l­eading man nila sa pelikula. Angelica is reuni­ted with Dingdong Dantes sa Unmarried wife, habang si Angel naman ay makakasama ni Zanjoe Marudo bilang kanyang kapareha sa Third Party, which also stars Sam Milby.

Sikat na tourist spots sa Greece nilibot ng JaDine

Kung pamilyar ang title ng upcoming series nina James Reid at Nadine Lustre’s na Till I Met You, ito ay dahil sa isang kanta na may kaparehang title na pinasikat ng singer at composer na si Odette Quezada.

Come to think of it, Salve A., nasaan na kaya ngayon si Odette at ano kaya ang kanyang pinagkakaabalahan?

Si Kyla na siyang kumanta rin ng theme song ng On The Wings of Love (OTWOL) ay siya ring inatasan ng Dreamscape Entertainment Television na kantahin ang Till I Met You.

Ang Dreamscape ang producer ng OTWOL and Till I Met You.

Directing Till I Met You, with Direk Andoy Ranay, is Direk Antoinette Jadaone, na siya ring nagdirek ng OTWOL.

Kung sa San Francisco nag-shoot ang OTWOL, ang Till I Met You naman ay sa Greece. Masasaksihan ang ganda ng Athens, Mykonos at Santorini sa bansang Greece.

Kasama rin sa cast ng Till I Met You sina Pokwang, Angel Aquino at ang mag-asawang sina Carmina Villaroel at Zoren Legaspi.

McCoy sunud-sunod na ang raket

Dumarating na ang break para sa Hashtag member na si McCoy de Leon at deserve na deserve niya ito.

Nagsimulang makilala ang pangalan ni McCoy nang pumasok sila ni Nikko Natividad sa Pinoy Big Brother (PBB) in Vietnam.

Considered sila ni Kuya bilang isang contestant lang.

Sa loob ng Bahay ni Kuya, itinukso siya (McCoy) sa isa ring fellow housemate na si Elisse Joson. Parehong guwapo at maganda sila McCoy at Elisse kaya match na match sila bilang magka-love team sa loob ng Bahay ni Kuya.

Na inaasahan na mauuwi sa katotohanan kung hindi lang sila nagkahiwalay nang lisanin nila ang PBB para sa panibagong batch ng show na Pinoy Big Brother (PBB) Lucky Seven.

Ngayong hindi na housemate si McCoy, busy na siya sa kanyang career.

Kasalukuyan siya napapanood bilang guest kasama si Yassi Pressman sa seryeng FPJ’s Ang Probinsyano na pinagbibidahan ni Coco Martin.

Saturday, obviously, he devotes to his work bilang isa sa dancers ng Hashtag. Sunday kasi, napapanood siya bilang bida ng kasalukuyang episode ng Wansapanataym.

Naunang napanood si McCoy sa pag-arte sa seryeng We Will Survive na pinagbidahan naman nina Pokwang at Melai Cantiveros.

Si Mariz Racal ang leading lady ni McCoy sa nasabing serye.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with