^

Pang Movies

Zanjoe naghahanap ng tamang babae

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Hindi mapilit si Gerald Anderson na mag-comment tungkol sa sinasabing pagkakamabutihan nina Maja Salvador at John Lloyd Cruz.

Basta pokus lang daw ang aktor sa sarili nitong happiness kasama si Bea Alonzo at open sila sa pagkakaroon nila ng espesyal na samahan na hindi nila nagawa noong unang relasyon.

Hindi na rin natatakot sina Gerald at Bea na makita ng ibang tao na magkasama sila.

Samantala, hindi man masabi ni Zanjoe Marrudo na totally naka-move on na  siya sa kanyang ex na si Bea, at least ay nakakapagsalita na ang aktor tungkol sa aktres ‘pag siya ay ini-interview.

Inamin ni Zanjoe na hindi naman sila close ngayon ni Bea, pero civil sila kapag nakakasalubong niya ang aktres.

Okey rin kay Zanjoe na isa sa bida ng Tubig at Langis ng Kapamilya Network ang muling pagdi-date nina Gerald at Bea kahit tapos na ang kanilang movie.

Masaya, ang sagot ni Zanjoe sa isang interview kung ano ang status ng puso niya ngayon. Ayaw nitong pa–pressure sa lahat ng bagay. Pero seryoso ang aktor sa lahat ng kanyang mga commitment ngayon. Tanggap din ng aktor na lahat ng kanyang pinagdaraanan at desisyon ay may dahilan kung bakit nangyayari. Alam daw niyang darating din ang tamang tao na makakasama niya balang araw.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with