^

Pang Movies

Heart hindi pa maisingit ang pagbubuntis!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Hindi kinukulit ni Heart Evangelista si Dennis Trillo na pasukin na rin ang pag-aasawa kahit nga madalas na silang magkasama sa taping ng GMA series nilang Juan Happy Love Story.

“Kasi ‘pag pinipilit mo, lalong ayaw eh,” rason ni Heart nang bisitahin ng press sa taping ng rom-com nila ng Kapuso actor.

In passing lang daw kung pag-usapan nila ni Dennis ang pagpapakasal. “Parang, ‘Ilang taon ka na ulit?’ Ganoon lang,” saad ng Kapuso actress.

Sa pagtatapos ng JHLS, nalulungkot din daw ang asawang si Sen. Chiz Escudero ayon kay Heart. Eh bale ito na rin ang huling series niya dahil haharapin na niya ang pagbubuntis. Eh ‘yung planong honeymoon nilang mag-asawa, naunsyami muli dahil sa pagbabalik ng senador sa Senado.

“Nag-umpisa na siya eh! Back to reality na siya. Parang nawala na ‘yung plano! Ha! Ha! Ha! Eh ang dami pang nangyayari sa ibang bansa, so okay na rin,” rason niya.

Kahit tigil sa acting career, tambak pa rin ng ginagawa si Heart pagdating sa pagiging painter niya.

“After nito, ano ba? September 3, meron akong bag exhibit. Magta-tie up kami ng Volkswagen sa Fort. Since ‘yung show room nila, ie-empty nila, meron akong magandang set up showcasing all Hermes bags,” tsika ni Heart.

Iba-iba raw ang nagpahiram ng mamahaling bag sa kanya upang i-exhibit gaya nina Maggie Wilson, Grace Ang at ibang Chinese friends na payag ipahiram ang kanilang bags na pinintahan niya.

“I’ll probably have 48 Hermes bags na dinesign ko. I made sure na ‘yung security ay naayos namin sa place. Oo, babayaran ko ‘yon kapag…

“After that, I’ll be launching a little coffee table book of all the bags and then, I am also working cookbook with my mom. Recipes that are easy to read. Madali kang makapagluto ng adobo or bagoong or what.

“It will also be like a journal of our relationship. Our ups and downs, pictures of our childhood. Parang cooking polvoron has brought us back together. Parang ganoon,” balita pa ni Mrs. Escudero.

Na-launch na rin niya ang line of cosmetics niyang Happy Skin. ‘Yung proceeds na makukuha niya ay mapupunta sa Corridor of Hope na cancer patients ng St. Luke’s. May nakaamba rin siyang perfume line na sa end of September ang launching.

“Nag-touch kami ng Lily of the Valley. ‘Yun ‘yung isang scent na kasama sa wedding ko. What else am I doing?” saad pa niya.

Paano na ‘yung baby nila ni Sen. Chiz?

“Kaya ‘yan! Ii-schedule ko ‘yan! Isisingit ko. I’m really inspired. Aside from acting, I really want to develop a brand. I’m also going to venture into home. Clothing line, bath line. It’s really busy pero sobrang nai-enjoy ko siya!” bulalas ni Heart.

Sa pagkakaroon ng teleserye, depende raw ‘yun kung mabubuntis siya. Subali’t sinigurado niyang hindi muna uli siya gagawa ng series this year.

“Sabi ni Chiz, kung ano ‘yung mauna. Hindi naman kasi siya ‘yung ma-pressure na, ‘Hindi na ba tayo mag-aanak?’ Kung ano raw ang mauna. There’s no problem. But ako, I’ll seriously work on it on Feb.

“Kasi nagpapagawa ako ng bahay. dapat December tapos na ‘yon or something! Siyempre, project ko ito. Pati kuwarto ng mga bata, gusto ko, maganda. And I wanted to give them full attention talaga. Para isang bahay na kami at maramdaman nila ‘yung attention. May time kami to adjust everyday bago ako magkaroon ng baby!” diin ni Mrs. Escudero.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with