^

Pang Movies

Coco walang planong tantanan ang mga krimen!

- Vinia Vivar - Pang-masa

Ayon kay Coco Martin, marami pa raw silang stories na pwedeng gawin sa FPJ’s Ang Probin­syano lalo pa nga’t napakaraming uri ng krimen na totoong nangyayari sa bansa.

“Sabi ko nga, hangga’t hindi natatapos ang krimen sa buong Pilipinas, hindi matatapos ang Pro­binsyano kasi marami pa kaming subject na pwedeng gawin,” sey ng Primetime King.

“And then, sabi ko nga, nakakatuwa kasi mara­ming mga artista kaming nilu-look forward na ma­ging parte rito sa aming teleserye,” dagdag pa niya.

Pero kadalasan ay nagkakataon na ang mga konsepto nila ay nahahawig sa mga totoong kaganapan in real life. Tulad na nga lamang sa eksenang nag-come-out na bading si Mak Mak (McNeal Briguella), timing naman na may nangyaring trahedya sa Orlando. Florida, USA kung saan ay pinagbabaril ang mga gays na nagkakasayahan sa isang gay bar.

‘Yung pinakahuling konsepto nila na pumapatay ng mga pulis na ginampanan ni Cesar Montano, may similar occurrence din sa Dallas, Texas.

Ayon kay Coco ay hindi raw talaga nila sinasadya ang mga ito.

“Honesty, hindi namin talaga pinaplano. Kahit kami nagulat, like ‘yung nangyari sa drug party, pinalabas namin ‘yun matagal na, tapos nangyari.

“Sabi namin, ba’t ganu’n? Kung ano ‘yung mismong pinalabas natin, kung ano ‘yung nangyari sa mismong pinalabas natin, parang ganu’n ‘yung nangyayari.

“Tapos, eto na nga, ‘yung kay Mak Mak, ang layo kasi, ‘yung kay Mak Mak talaga, hinanda namin ‘yun before papunta dito, tapos biglang nangyari ‘yung ganu’n.

“Hindi po talaga namin sinasadya or hindi po namin inaano. Kung baga, parang siguro sa rami ng concept, tapos nagkakataon lang na nangyayari after.

“Tapos ‘yung Ligtas Tips, ang tagal na pong naisip ni Sir Deo (Endrinal, head ng Dreamscape unit) na, ‘lagyan natin ng ano para bigyan ng babala ang manonood, kasi at least kahit paano, makatulong tayo, tapos may ipapakita tayo visually’, kung baga, marami silang natututunan para makaiwas sa pwedeng mangyaring hindi maganda sa ating kapwa,” pahayag ni Coco.

At dahil nga sinabi ng aktor na hangga’t hindi natatapos ang krimen ay hindi raw titigil ang FPJAP, pahaging ba ito na aabutin pa ng maraming taon ang serye?

Juday at Nora gitgitan ang laban

Sinasabing sina Judy Ann Santos sa pelikulang (Kusina) at Nora Aunor (Tuos) ang mahigpit na magkakalaban for Best Actress sa 12th Cinemalaya Philippine Indepen­depent Film Festival scheduled to run this Aug. 5-14, 2016.

Pero ayon kay Juday, hindi naman ang award ang kanyang main concern kundi ‘yung excitement na makagawa u­lit ng isang indie film.

“Mas excited ako du’n sa thought na nakagawa ulit ako ng pelikula,” say ni Juday.

Hindi pa raw niya nakikita ang kabuuan ng movie niya dahil say niyang natatawa, hindi niya alam kung gusto niyang mapanood ang film.

“Though I’m confident that my movie is nice, it’s just that ayokong makita ang sarili ko,” natatawa niyang sabi.

Juday shot this film just recently na ilang buwan pa lang siyang nakakapanganak sa youngest nila ni Ryan Agoncillo na si Luna. Kaya feeling ng aktres, mataba siya sa film.

Siyempre, she’ll be proud and happy kung mananalo siya pero okay lang naman din daw kung hindi.

“Kung hindi, to be able to be nominated with the one and only Superstar, malaking bagay na po sa akin ‘yun,” say pa ni Juday.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with