^

Pang Movies

Buhay ng mga Kapamilya sa Hong Kong

Pang-masa

?MANILA, Philippines – Matapos na magkahalong saya’t-tuwa ang hatid ng katatapos lamang na Kwentuhang Kapamilya sa Madrid, Spain, muli na naman nitong paaantigin ang puso ng mga overseas Filipinos (OFs) sa ikalawang inspirational talk series ng Maalaala Mo Kaya sa Hong Kong ngayong linggo at mapapanood worldwide via TFC.tv ngayong araw.

Sa loob ng 25 years, ibinabahagi na ng longest-running drama ang buhay at tagumpay ng mga Filipino sa loob at labas ng Pilipinas. 

Una nang napanood sa telebisyon noon 1991, napapanood na ang MMK sa iba’t ibang platforms: radyo, pelikula, musika, libro, merchandise at kasama na ang sub-titled version nito sa TFC. 

Ngayon, sa pamamagitan ng Kwentuhang Kapamilya, mas paiigtingin pa ng MMK ng ABS-CBN ang pagbabahagi ng mga kuwento at aral ng mga Filipino, kasama ng The Filipino Channel (TFC), sa pamamagitan ng aktwal na pagbabahagi ng mga kuwento – mula sa paglisan para sa ibang  bansa, pagpupursige kaharap ang ibang kultura, at sa kanilang pagtagumpay ano man ang kanilang larangan pinasukan.

Malawak ang mga kuwentong naibahagi ng kauna-unahang mga storytellers. 

Si Rico “Ericka” Angsioco na mula sa Nasugbu, Batangas ay isa sa mga mapalad ng napili. 

Marami ang naka-relate sa kuwento niya bilang isang teacher na tumanggap ng trabaho sa ibang bansa na kaiba sa kaniyang kursong kinuha, dahil sa pangangailangan sa buhay.  

Ayon sa kaniya, mahirap ang buhay sa ibang bansa na maaaring hindi maintindihan ng mga tao sa Pilipinas. 

Ayon sa kaniya “Ang bawat tsokolate o bagay na ipinapadala namin sa inyo, lungkot at luha ang kapalit nito sa amin na nandito sa abroad.”  Ngayon, kasama na niya ang kaniyang ina na nararanasan ang mga bunga ng kaniyang pinaghirapan bilang OF.

Ang kuwento naman ni Atty. Chona Tenorio ay iba sa kuwento ni Angsioco.  Nagsimula siya bilang domestic helper at sa pamamagitan ng kaniyang pagpupursige ay naging isang immigration lawyer.  Ngunit ang tagumpay ay may naging kapalit.  

“Napakahirap isipin para sa isang ina na iwan ang mga anak mo,” ayon kay Tenorio.  Ngayon, iba na ang naging kuwento ni Tenorio.  “Kapag dina­dalaw ako ng mga anak ko dito sa Madrid sinasabi ko nagsusumikap ako para sa kanila. Nagbunga naman lahat dahil yung isa doctor at yung isa ay engineer ngayon dito sa Madrid.”

Kakaiba naman ang kuwento ni Mirasel Plarical mula sa Bukidnon.  Isa siyang dating madre na dumayo sa Madrid dahil sa panawagan ng Diyos.  “Noong una buo ang pamilya ko.  Noong nagkahiwalay ang parents ko, doon nawala ang desire ko sa pagma-madre.  Kasi kung hindi mo alam ang gagawin mo, wala ring direksiyon ang buhay mo.”  Doon nagbago ang kaniyang buhay hanggang sa tuluyang mag-iba na siya ng bokasyon.

Halong tuwa at lungkot naman ang kuwento ni Angela Maala mula sa Lemery Batangas. Umibig siya sa murang gulang at dahil dito, hindi niya naranasang makilala ng lubos ang asawa.  Naging battered wife siya at naloko pa ito.  “Noong una para akong nasa heaven…Matagal po akong nagising  Umabot sa point na muntik na akong magkapamatay.”  

Ngunit sa huli, masaya pa rin si Maala sa naging kinalabasan ng kaniyang buhay.  “Nang iwan ako ng asawa ko, nag-abroad ako, akalain mo na dito ko pa sa Madrid mararanasan ang mag-opisina eh kung tutuusin, wala naman akong pinag-aralan.”  

Sama-samang nagbahagi ng kuwento nina Angsioco, Tenorio, Plarical at Maala na personal na napakinggan ni Ms. Charo Santos Concio at napakinggan ng mga Filipino sa Madrid at kalapit na lugar. 

Higit sa lahat, may nabitiwan silang mga kapupulutang aral sa buhay na makakatulong sa kapwa mga Filipino.

Sama-sama nating mapapanood ang Kwentuhang Kapamilya via TFC IPTV at worldwide via TFC.tv sa mamayang 10 p.m. Manila time.  

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang facebook.com/TFCHongKong para sa karagdagang impormasyon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with