^

Pang Movies

Career nina Daniel at Kathryn nakasalalay sa kanilang ipalalabas na pelikula

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Ano nga kaya ang kalalabasan ng pelikula nina Da­niel Padilla at Kathryn Bernardo? Iyan ang inaabangan ngayon ng mga tao matapos na maging isang malaking hit ang pelikula nina Alden Richards at Maine Mendoza na Imagine You & Me.

Hindi rin naman maikakailang isang malaking hit ang huling pelikula nina James Reid at Nadine Lustre na This Time kahit na nga sinabayan iyon ng ibang pelikula.

Palagay namin, sa ngayon ay ma­­hirap nilang mapantayan ang kinita ng AlDub, pero dapat mapantayan man lang nila kung hindi man mahigitan ang kinita ng pelikula nina James at Nadine.

Kung hindi mangyayari iyan sa kanilang pelikula, masamang sit­was­y­on iyon. Baka mahirapan na silang makabawi. Siguro ok lang na masabi ng iba na hindi na sila number one, pero iyong masabi pang natalo sila ng isa pa, lalabas na sila ang kulelat na sa mga love team. Ewan namin kung maka­kapayag ba ang kanilang fans na mang­yari iyan.

Para ngang nadagukan na si Enrique Gil nang mangamote sa takilya ang kanyang pelikulang Dukot sa kabila ng mga mahuhusay na actor ang kanyang suporta. Maliwanag sa resulta na siguro nga malakas lang si Enrique sa TV at kung kasama lamang niya si Liza Soberano. Malaking kaibahan iyan. Libre kasi ang TV, may bayad naman ang sine. Pero siguro nga ang magandang katuwiran doon ay ibang genre kasi ang ipinagawa sa kanyang pelikula at umasa lamang sa kanyang popularidad.

Pero itong kina Daniel at Kathryn, aba eh siguradong tala­gang pang-love team ang pelikula, at matagal na rin naman silang hindi napapanood sa telebisyon. Siguro dapat naroroon din iyong “sabik factor” ng kanilang mga fans. Hindi na kasi sila nakatanggap ng teleserye simula nang masyado silang ma­ging busy sa pagkakampanya sa natalong kandidatong si Mar Roxas.

Kailangan makabawi sila ngayon.

Kwento ng pagmamaldita ni Gabbi sanga-sanga na

Masyadong maraming lumalabas na negative comments tungkol kay Gabbi Garcia lalo na sa social media. May nagsasabi pang siya ang makakabatak pababa sa kanyang ka-love team na si Ruru Madrid. Pero ang palagay lang namin, mukhang unfair naman iyon kay Gabbi dahil nice girl naman siya.

Ang tagal nga namin siyang kakuwentuhan ng launching ng Encantadia, at ok naman siya. Ok naman sila ni Ruru. Palagay namin iyang black propaganda kay Gabbi ay nagsimula lamang sa isang insidente kung saan sinasabing ayaw daw niyang maki-share sa isang grupo ng dancers sa isang sasak­yang ginamit nila patungo sa isang out of town show.

Pero talaga bang kasalanan ni Gabbi ang nangyari o pagkukulang din ng organizer?

The Juans may katuturan ang mga kanta

Pinakikinggan namin ngayon ang album noong grupong The Juans. Maganda naman ang kanilang mga kanta, at siguro nga kung maipo-promote lamang nila nang husto ay magiging hit iyon lalo na sa mga kabataan.

May katuturan ang kanilang mga kanta, lalo na ‘yung Atin ang Mundo.

Naitanong namin sa aming kaibigang si Baby Gil, isang music expert, ang tungkol sa kanila at nagpadala nga siya ng album para marinig naman namin ang mga kanta. Ok nga rin ang mga kanta nila, at siguro nga hindi na rin dapat pang pag-usapan kung ano man ang sinasabi nilang hindi maganda sa isang member ng group. After all, ang pinakikinggan natin ay ang kanilang musika. Wala nang personalan doon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with