^

Pang Movies

Hiwaga ng Encantadia mababalikan na

Pang-masa

MANILA, Philippines – Sa pagsalakay ng Kaharian ng Hathoria sa lupain ng Adamya, kanilang wawasakin ang kapayapaan sa buong Encantadia na ikagagalit ng unang reyna ng mga Diwata na si Cassiopea (Solenn Heussaff). 

Bibigyan niya ng babala ang mga Hathor na kasabay ng kanilang pananakop ay ipapanganak ang Sang’gre na magpapabagsak sa kanilang hari at tatapos sa kanilang kaharian.

Dahil sa banta ni Cassiopea, lalong magiging pangahas ang Hathoria sa kanilang pananakop at pangongolekta sa mga makapangyarihang brilyante na bumubuhay sa Encantadia.

Nang ipanganak ni Mine-a (Marian Rivera-Dantes) na Reyna ng Lireo ang kanyang pangalawang anak, sasabay ito sa pagkamatay ng hari ng Hathoria—na siyang magpapatotoo sa hula ni Cassiopea.

Isang hula na pipigilan ni Hagorn (John Arcilla) sa pamamagitan ng pagpapapatay sa bagong silang na anak ni Mine-a. Ngunit, ito naman ang magtutulak kay Mine-a para isumpa ang buong Hathoria… at pabagsakin ang kaharian ng mga Hathor.

Ang sumpa ni Mine-a, gamit ang apat na brilyante ng Encantadia, ay magbibigay daan para manghimasok ang isang bathaluman sa laban ng mga bayan. Bibigyan ng ahas na si Ether ng bagong kapangyarihan ang hari ng mga Hathor na magbibigay dito ng lakas na labanan ang kapang­yarihan ng mga brilyante. Bagong mga kapangyarihan na, ikatatakot ni Cassiopea, ay makasasama sa kinabukasan ng Encantadia at nina Raquim (Dingdong Dantes) at Amihan. Kaya babalaan ng Diwata si Mine-a na itago ang dalawa sa mundo ng mga tao.

Ngunit ang hindi alam ni Mine-a ay may ibang mga panganib rin na naghihintay kina Raquim at Amihan sa mundo ng mga tao.

Habang sa Lireo naman ay nakapagpasok na si Hagorn ng kaniyang tao na handang maghintay ng matagal para makatulong sa mga Hathor at mapabagsak ang mga Diwata gamit ang sarili nilang prinsesa na si Pirena.

Balikan ang simula ng kuwentong kinabibiliban ngayong Linggo, sa GMA 7, pagkatapos ng I-Bilib.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with