^

Pang Movies

Female celebrity hindi na nagpapabilog sa kaplastikan ng manager na manggagatas!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Gusto na raw kumalas ng female celebrity sa kanyang matagal nang manager dahil pakiramdam niya ay panahon na para siya na ang mag-asikaso ng sarili at matagal na siyang nakabayad ng utang na loob dito.

Noon pa raw gustong umalis ng female celebrity sa kanyang pakialamerong manager. Pero tuwing ito raw ang gusto niyang pag-usapan, sinusupalpal siya kaagad at ipinaaalala ang mga nagawa nito sa kanya noong nagsisimula pa lang siya at walang naniniwala sa kanyang kakayahan.

“Kung tutuusin, nakabayad na ng kanyang utang na loob si female celebrity sa manager niyang ‘yan.

“Pero siya ang ayaw bitiwan ng manager kasi nga pinagkakakitaan pa siya ng malaki. Kahit na hindi feel ni female celebrity ang ipinapagawa sa kanyang project, wala siyang magawa dahil pinapaliguan siya ng mura ng manager niya.

“Ang hindi lang ma-take ni female celebrity ay ang panlalait ng manager niya sa kanya tuwing nangangatwiran ito.

“Starlet pa rin ang tawag sa kanya kahit na may napatunayan na siya bilang aktres.

“Ilan lang ‘yan sa tinitiis ni female celebrity sa arogante niyang manager,” kuwento pa ng source namin.

Ngayon at medyo nag-lay low na ang female celebrity dahil mas gusto nitong asikasuhin ang negosyo ng pamilya nila, panay ang tanggi nito sa mga project na dumarating.

Alam ni female celebrity na taranta ngayon ang manager niya dahil matagal siyang hindi nagpaka-busy dahil mas pinili niya ang magnegosyo. Kaya walang masyadong kinikita ang manager niyang mukhang pera.

“Choice talaga ni female celebrity ang hindi magtrabaho. Tumatanggi talaga siya dahil ayaw na nga niyang magpahawak sa manager niya.

“Wala naman daw silang kontrata kaya anytime ay puwede na siyang kumalas. Sobra-sobra na raw ang naitulong niya rito at panahon na para iwan na niya ito.

“Kaya raw nagtataka si female celebrity kung bakit parang bait-baitan ngayon ang manager niyang ito. Nangungumusta na at parang may lambing na ang boses kapag nakikipag-usap, ‘di tulad noon na parating pasigaw kung magsalita.

“Ramdam na siguro niya na anytime ay mawawala na si female celebrity sa kanya, kaya nagpapaka-plastic ito ngayon sa pagiging mabait.

“Pero alam naman ni female celebrity na fake lang ang kabaitan nito at hindi na siya magpapagamit sa isang taong user tulad ng manager niya,” pagtapos pa ng source namin.

Sobrang nagustuhan, Angeline may follow up movie na agad kay Direk Joel

Nagulat si Direk Joel Lamangan sa singer na si Angeline Quinto dahil napakahusay daw pala nitong artista.

Hindi akalain ng award-winning director na magiging madali para sa kanya na idirek si Angeline for the first time. Mabilis daw nito nakuha ang character sa romantic-comedy film ng Regal Entertainment na That Thing Called Tanga Na.

Dahil natuwa si Direk Joel, may kasunod na agad pelikula si Angeline na siya rin ang magdidirek.

“I was pleasantly surprised by Angeline. First time ko kasi siyang nakatrabaho at akala ko ay mahihirapan ako sa kanya.

“Pero nakagawa na pala siya ng ilang movies kaya marunong na siya sa mga blocking, pag-memorize, sa pagbigay ng emotions. Natuwa ako kasi bagay sa kanya ‘yung role na naitoka sa kanya.

“Kaya wala akong naging problema sa kanya all throughout. She is very professional at napakalambing pa. Kaya may isa pa kaming movie na ginagawa dahil nagustuhan ko siya,” diin pa ni Direk Joel.

Kaya ayaw magkuwento sa kanila ni Julian Kylie takot maulit ang nangyari sa kanila ni Aljur

Nagkuwento ang Kapuso star at isa sa bida ng te­lefantasya na Encantadia na si Kylie Padilla tungkol sa isang nakakatuwang pag-uusap nila ng kanyang ama na si Robin Padilla.

Nagtanong nga raw si Robin tungkol sa nababalitang boyfriend ni Kylie na si Julian Trono. Napag-alaman ni Robin na 18 years old lang ito samantalang si Kylie ay 23 years old na.

“Sabi sa akin ni Papa, ‘Anak naman, masyado namang bata ‘yan!’

“Natatawang sinagot ko siya, ‘Hello, eh si Tita Mariel (Rodriguez) kaya?’

“Nagtawanan na lang kami ni Papa kasi pareho pala kaming mahilig sa mga mas bata sa amin! May pinagmanahan daw ako!” tawa pa ni Kylie.

Simula noong matsismis si Kylie kay Julian noong nagkasama sila sa teleserye na Buena Familia, ma­tipid siyang magkuwento tungkol dito.

Hindi raw sa pinagbabawalan siya dahil hindi na raw hawak ng GMA Artist Center si Julian, kundi maingat na raw si Kylie na magkuwento tungkol sa lovelife niya.

“I just want to be quiet about it as much as possible.

“Hindi sa nagiging selfish ako. Pero I want to keep something for myself.

“Before kasi, I was pouring my heart out. Wala akong itinatago from you guys, ‘di ba? Then it happened nga na nag-break kami (ni Aljur Abrenica), kaya sobra akong na-trauma emotionally. It was a bad experience for me.

“Kaya with Julian, I want it to be normal lang. ‘Yung wala masyado sa spotlight,” pagtapos pa ni Kylie.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with