^

Pang Movies

Nora grabe ang pagmamahal kay Buboy

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines - Paalis na sana ngayong July ang Superstar na si Nora Aunor para ipagamot ang nawawala niyang boses para muling makakanta.

Matagal na niyang balak ito at hindi nga ba nangako pa si Kuya Boy Abunda na tutulong kay Guy sa mga magiging gastos nito? Ewan lang po kung matutuloy ito dahil hindi makaalis si Guy dahil sunud-sunod naging problema niya personally. Malaki ang naging papel ni Nora sa pagtulong sa kapatid niyang matagal nang may karamdaman na si Buboy na ngayon ay kinuha na ni Lord.

Kaya rin todo raket si Guy dahil sa pagpapagamot ng kanyang kapatid.

Teka! Nakadalaw kaya ang mga anak niyang sina Ian at Lotlot de Leon sa tito nila? Nabalitaan namin na si Matet lang madalas ang dumalaw at nagbibigay ng tulong kung kaya marahil blessed ito sa mga biyayang natatanggap.

May nagkomento nga sana ‘yung mga karangalang natatanggap ni Nora sa pagganap ay puwedeng makabigay ng tulong sa may karamdamang kapatid noon. Malupit talagang magmahal ang Bikolanang Superstar.

Donita Nose nag-birthday sa Wowowin

Mapagmahal talaga si Willie Revillame sa mga nagiging tauhan niya sa Wowowin at hindi sila agrabyado sinuman sa mga ito.

Kaparis na lamang nung mag-birthday last June 28 ang komedyanteng si Donita Nose.

Mistulang may concert ito na kumanta ng tatlong beses sa show ng Wowowin. Walang pakialam kahit pa kumain ng maraming oras ang pagkanta niya at ipinagawa pa siya ng red gown sa isang pamosong couturier na gumagawa ng mga gown ng beauty queen.

Hindi akalain ni Donita na masisira ang poise niya nang ipakita sa screen ang mga kaibigan niyang bumabati sa kanya pati na rin ang kanyang ina.

Humagulgol siya ng iyak. Nakalimutan niyang nasa harap siya ng kamera.

Well, knowing Willie na maka-nanay din, pinaligaya niya si Donita. Humahanga kami sa mga Kapuso dahil hindi sila maramot lalo sa mga nakakatulong sa programa nila.

Malapit nang pumunta ng Abu Dhabi ang grupo ng Wowowin para magpakalat ng jacket at mamudmod ng pera sa mga OFW.

Monthsary ng AlDub nakakaumay na raw!

Ginulat ni Ms. Celia Rodriguez ang fans ng Eat Bulaga noong bigla itong mag-guest sa Lola’s Play­list na segment ng EB.

Inaamin ng premayadong aktres na pare-parehong magagaling ang mga batang naglaban sa contest at puro raw panalo para sa kanya. Sana sundan pa ng EB ang pagkuha ng iba pang guest sa kalyeserye para hindi naman nakakasawa na sila-sila na lang nag-uusap at nagbobolahan.

Ibang mukha naman para hindi nakakasawa. Puro na lang kilig-kilig monthsary nina Alden Richards at Maine Mendoza. Nakakaumay na!

                             

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with