^

Pang Movies

Derrick saka na aasikasuhin ang love life ‘pag mayaman na

Joe Barameda - Pang-masa

MANILA, Philippines - After starting his year right, mula sa kanyang album launch hanggang sa well-loved series niyang pinagbibidahan, masaya raw talaga ngayon ang Hanggang Makita Kang Muli star na si Derrick Monasterio kahit na single siya.

Okay lang daw na loveless siya ngayon dahil naka-focus naman siya sa kanyang successful career.

Ani Derrick, “Hindi pa ako ready. ‘Yun nga nasabi ko nga po na ang ganda ng takbo ng year ko, promise. ‘Yung January ko, tapos nung pumasok ‘yung February, may tatlo akong magazine covers at nag-release ako ng album. Siguro kapag made na ako, ‘pag ‘di ko na iniisip ‘yung uulamin ko kinabukasan, dun pwede na uli.”

Ina nakayang gumawa ng masama

There’s always a room for firsts. Matapos niyang tanggapin ang role bilang Odessa sa GMA Afternoon Prime series na Hanggang Makita Kang Muli, inamin ni Ina Feleo na maraming firsts ang na-experience niya sa soap na ito.

From her previous roles, nakilala si Ina bilang isang passionate actress. Kaya naman hindi raw siya makapaniwala na kinaya niya ang maging isang psychologically challenged na kayang gumawa ng pinakamasasamang bagay.

“In the past, my focus has always been just to be honest and truthful in my scenes. But with a character like Odessa’s, na malayo talaga kung sino ako, I was forced to explore and step out of my comfort zone. ‘Yung mga bagay na hindi ko talaga magagawa sa totoong buhay, nagawa ko dito sa show na ‘to. Manampal ng matanda, manakit ng bata, pumatay, at marami pang iba. At nung pinapanood ko ‘yung mga eksena, parang hindi ko na nakilala ang sarili ko,” pagbabahagi ng aktres.

Bettina namamangha pa rin kay Kristine

Kabilang ang mom-entrepreneur-actress na si Bettina Carlos sa bagong sitcom ng GMA Network na Hay Bahay!

Sa pagkakasama niya sa cast ng programa ay masaya raw siya dahil bigating mga comedian ang kanyang makakatrabaho lalung-lalo na ang bagong Kapuso na si Kristine Hermosa.

Aniya, matagal na raw niya kilala ang magandang aktres at na-amaze siya dahil tila hindi nagbago ang hitsura nito. “So si Ate Tin super happy ako when I saw her kasi I’ve known her from before pa and seeing her now looking exactly the same even more beautiful now, tapos may anak pa siya. Tapos four months na I think, sobrang tuwang-tuwa ako,” kuwento ni Bettina.            

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with