^

Pang Movies

Sa pagkakaluklok kay Pres. Digong, Ka Freddie inaabangan kung magpapagupit na!

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Panahon na kaya para putulan ni Freddie Aguilar ang kanyang long hair sa administrasyon ni Pres. Rodrigo Duterte. Pangako noon ni Ka Freddie na ipapagupit lang niya ang kanyang mahabang buhok kapag nagbago ang kahirapan at corruption sa ‘Pinas.

Mula pa nung election ay aktibo na si Freddie sa pagsuporta kay Pres. Digong at naniniwala ang folk singer na mababago ng bagong president ang maling sistema at mga problema ng bansa.

Kaya kahapon hanggang sa panunumpa ni Pres. Digong ay present si Ka Freddie na hinangaan at pinalakpakan sa pagkanta nito ng Tunay na Pagbabago kung saan halos lahat ay natuwa, naiyak, at saludo sa touching na lyrics,.

Lahat ay umaasa na finally ang administrayong kamay na bakal ni Digong na nga sana ang sagot sa mga problema ng bansa.

Ang kantang Tunay na Pagbabago ay hango sa melody ng kanta rin ni Ka Freddie ng Ipaglalaban Ko.

Maliwanag ang lyrics ng kanta ni Ka Freddie na tagos sa puso at hindi lang nananawagan sa bagong administrasyon, kundi sa buong bansa na muling magkaisa sa pagbabago ng ‘Pinas.

Anim na taon ang bubunuin ni Pres. Duterte na lahat ay nakaa­­­bang sa pagbabago at pag-unlad ng bansa. Titingnan din kung tulu­yan nang magpapagupit si Ka Freddie kapag nangyari ang harinawang sinasabing pagsugpo sa corruption, drugs, traffic, at sangkaterbang problema ng bansa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with