^

Pang Movies

Pinas binibilin kay Duterte na ibalik sa Pilipinas!

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines - May mga mensaheng nakarating sa amin para sa kay incoming President Rodrigo Duterte. Sana raw ay malusaw na makamandag na drogang sumisira ng buhay sa ating mga kabataan pati na sa matatanda.

Sa showbiz, sana raw ay mabigyan biyaya rin ‘yung mga hindi sikat na personalidad. Mga anak din sila ng Diyos na umaasa sa biyaya galing sa mga produ. Sana rin daw ay ibalik ‘yung salitang Pilipinas instead of Pinas. Masakit kasing pakinggan sa tenga dahil parang bulol, utal  at may diperensiya ang dila lalo kung mga radio at TV broadcasters na nagbabalita pa ang nagsasabi nito. Nagiging katawa-tawa kasi sila kapag Pinas ang binibigkas.

Sana nga ay mabago ng bagong presidente natin ang takbo ng buhay ng mga Filipino lalo na ang mga mahihirap.

Chef Boy nakapagtayo na rin ng kapilya

Sa 60th birthday ni Chef Boy Logro ng Idol sa Kusina ay biglang naging guest si Nova Villa na minsan ding nakatambal noong araw ni late Fernando Poe Jr.

Paborito pala ng misis ni Chef Boy si Nova at napakiusapang mag-guest ito. Humahanga si Nova kung paano maghiwa ng sibuyas si Chef Boy hindi kasi ito tumitingin. Napansin din ni Nova na very humble si Chef Boy.

Bukod sa pagluluto ay nakapagpatayo pala si Chef Boy ng kapilya sa kanilang bayan sa Davao. Hindi siya politiko pero matulungin. Balak niyang tapusin ang ipinatatayong Culinary Arts school para sa mga kabataan sa Davao.

May mga restaurant na rin siya at magandang bahay. Close sila ni Bettina Carlos dahil pareho silang mahilig magluto, pagbi-bake ng cake ang specialty ni Bettina na dating Star Magic artist pero sinuwerte noong lumipat sa Kapuso.                      

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with