^

Pang Movies

Habang ang ibang loveteams kinauumayan na James at Nadine lalong kinabaliwan nang maglabas ng libro!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Marami na kaming naririnig tungkol doon sa libro nina James Reid at Nadine Lustre na Team Real, at sinasabi ngang ilang libong kopya na ang naibenta. Doon lamang daw sa isang meet and greet sa isang mall, nakabenta sila ng mahigit na dalawang libong kopya. Nagulat kami dahil marami sa mga kakilala naming sales clerk ng isang upscale bookstore sa BGC ang nagsabing mabili sa kanila ang libro.

Nakita namin noong isang araw ang kopya. Kung titingnan mo ang sinasabi nilang libro, kagaya iyon ng mga usual na nilalaman ng mga fan magazine noong araw. Iyan talaga ang karaniwang hinahanap ng fans. Hindi ang isang “tell all” book tungkol kina James at Nadine. Mas marami nga ang pictures, at para siyang isang libro lang na nagpapakita rin ng fashion statements ng dalawang stars. Pero iyan talaga ang gusto ng fans.

Sa mga diyaryo, mahirap ninyong makita ang ganyan dahil sa kakulangan ng space. Iyon namang karamihan sa fan magazines ngayon, palibhasa ang may-ari ay mga TV networks din, ang laman ay mostly tungkol sa kanilang TV shows lamang. Iyon lang naman kasi ang dahilan kung bakit sila naglalabas ng mga ganyang babasahin ngayon.

Ewan kung mayroon sa inyong natatandaan pa ang mga panahon noon. Pero ang Daily Star Publishing noong araw, may magazine na ganyan na kung tawagin nila ay Fotoplay. Nagsimula iyon bilang isang pictorial magazine na naglalabas ng showbiz events. Natatandaan namin na inilabas nila ang parang wedding photo album noon nina Fernando Poe, Jr. at Susan Roces. Ganyan din ang laman, parang ang libro nina James Reid at Nadine Lustre. Pero siyempre mas moderno at mas maganda na ang printing ngayon. Pero ang Fotoplay noon, hindi ka mabibitin dahil malalaki ang pictures. Mas malaki iyon kaysa sa karaniwang magazines noong araw.

Noong malaunan, ginagawa na rin iyan ng ibang movie magazines, at iyon ang hinahabol ng fans. Hanggang dumating nga ang panahon na ang mga movie magazines ay naiba na. Naghahanap na ng mga controversy. Kung ano ang medyo mabaho, iyon ang gusto nilang ilabas. Talaga namang nag-click noong una, kaya lang unti-unting nabawasan ang adulation ng fans sa mga artista. Nawala ang ilusyon. Karaniwang tao lang naman pala ang hinahangaan nila na may mga baho rin.

Masyado pang dumami ang mga artista. Ang mga ginawa ng networks, naghanap nang naghanap ng mga baguhan hanggang sa dumami ang mga artista na hindi rin naman nila mabigyang lahat ng trabaho. Ang masama pang epekto noon, nahati ang fans kaya bumagal ang pagsikat ng stars.

Ibang klase nga ang nangyari kina James at Nadine. Masasabi mo na ngang milagro iyan eh. Dahil habang lumalamig ang popularidad ng ibang love teams, at saka naman nabaliw nang todo sa kanila ang kanilang fans.

Ngayon ay ibinalik ng VRJ Books, Viva rin naman iyan, ang dating uso sa kanilang libro. Nag-click iyan. Sigurado maraming gagaya niyan. Before you knew ito, lahat iyan ay may mga libro na rin. Tingnan na lang natin kung sino nga ba ang mas mabibili.

Hindi na rin bago ang mga libro na ganyan. Noon ay may ilang libro na rin tungkol kay Nora Aunor, kay Vilma Santos at iba pang artista. May binalak nga silang isa pang libro sana noong mag-celebrate ng fifty years sa showbiz si Ate Vi, pero hindi na natuloy iyon.

Ngayon ay nakita nila na bumenta nang husto ang libro nina James at Nadine. Nakita nila na may market pala ang libro. Siguradong may gagaya, kaya lang ay gawin naman nilang mas maganda.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with