^

Pang Movies

Alden iniwan si Maine para kina Tom at Martin!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Tight embrace ang iniwan nina Alden Richards at Maine Mendoza sa isa’t isa nang maghiwalay sila sa Como, Italy last May 26 evening. Si Alden ay mag-isang bumalik ng Pilipinas mula sa Milan-Malpensa International Airport to Muscat, Oman, Middle East to Manila. 

Dahil gabi pa naman ang flight, nabigyan pala ng chance ang dalawa na makapasyal sa Switzerland dahil malapit lamang doon ang Como, Italy. By train lamang sila pumunta at nakapasyal sa ilang lugar doon.

Hindi na pwedeng mag-stay behind si Alden dahil pinairal niya ang pagiging professional at para tuparin ang commitments niya. Mamayang gabi kasi ang 4Elements Fashion Model Search 2016 for a cause to help the SOS Children’s Village sa Lipa City.

Gaganapin ito sa Lipa City Youth & Cultural Center. Makakasama ni Alden ang mga Kapuso actors na sina Tom Rodriguez at Martin del Rosario. At bukas, May 29, mayroon namang meet and greet si Alden sa SM City Dasmariñas Event Center sa Cavite para sa ini-endorse niyang Sterling Notebooks. Mamaya kayang tanghali, mag-report na si Alden sa Eat Bulaga at sa kalyeserye ng mga lola?

Si Maine ay tumuloy naman daw sa Germany, kasama si Direk Mike Tuviera at Eat Bulaga’s scriptwriter Jenne Ferre. 

Betong at Sheena huhusgahan na 

Mamaya na ang pilot episode ng bagong co­medy improvisational show na Laff, Camera, Action ng GMA 7 na ihu-host nina Betong Sumaya at Sheena Halili. Sa initial episode, ang stand-up comedians na sina Pepay, Pepita Smith at Patricia Ismael ang makakalaban nina Doktora Beki Belo, Kris Aquino impersonator Tetay and si Candy Pangilinan. 

Special celebrity guest si Lotlot de Leon at sasamahan niya ang dalawang team sa impromptu acting, walang props na ibibigay sa contestants sa pag-arte nila sa dalawang magkaibang scenarios.

Extra special ang episode dahil sasamahan sila ng comedienne/actress and TV host na si Ms. Eugene Domingo na siyang magiging Director of the Week. Siya ang magbibigay ng scenarios sa magkalabang team. At ang live at improvised performances will get the nod ng MapanghusGang – ang three judges na sina Sef Cadayona, Gladys Guevarra at veteran comedy writer and director Caesar Cosme. 

Sa direksyon nina Phillip Lazaro at Noel Cabacungan, mapapanood na ito pagkatapos ng Wish Ko Lang ni Vicky Morales.

Jaclyn, Sid at Andi tuhog na ang selebrasyon

Nagdiwang ang cast ng afternoon prime drama series na The Millionaire’s Wife nang dumating si Jaclyn Jose dala ang kanyang Cannes best actress trophy. Dumating din si Sid Lucero na nanalo ng best actor for Toto sa Los Angeles Comedy Festival. Todo ang pagsasaya talaga dahil nag-celebrate rin ng kanyang birthday ang lead actress ng soap na si Andrea Torres. Dumating pa ang bouquet of flowers at cakes para sa tatlong celebrant.

Napapanood ang The Millionaire’s Wife after ng Hanggang Makita Kang Muli.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with