^

Pang Movies

Robin ayaw daw umepal sa magiging gobyerno ni Digong

- Vinia Vivar - Pang-masa

Nagpahayag na si Robin Padilla na hindi siya interesado sakaling alukin siya ng posisyon sa gobyerno ni incoming President Rodrigo “Digong” Duterte.

Ayon sa Instagram post ni Binoe, marami raw ang nagtatanong sa kanya ngayon kung tatanggap siya ng posisyon sa administrasyon ni Duterte na matatandaang sinuportahan niya nang bonggang-bongga nitong nakaraang kampanya at talagang ipinagtanggol niya nang todo-todo.

“Friends and Foe never fail to ask me if i will accept a position in the Government of EL CID/ Mayor Duterte .... The only answer i give them is I am revolutionary i do not join go­vernments i fight governments.

“The next question always goes so you will fight Duterte? .... and my answer will always be I can never and will never fight my Dearest Leader Rodrigo Duterte but definitely i will fight somebodys governance and policies for him,” post ni Binoe.

Ang comment ng isang netizen, isapelikula na lang niya ang buhay ni Digong.

Oo nga naman.

Mark Villar mas pinili ang anak kaysa sa pagSe-senador

Ngayon lang ini-reveal ni Las Piñas representative Mark Villar kung bakit hindi siya natuloy sa pagtakbo sa Senado ­nitong nakaraang eleksyon.

“A few days before filing of candidacy, the plane I was riding from Davao had an emergency landing. Umusok ‘yung rear cargo compartment. The flight attendants were already instructing us what to do. I was seated at the emergency door. Ako ‘yung dapat na magbukas. My staff was crying beside me.

Em, my wife was about to give birth in two weeks. Napaisip ako. Hindi ko na ba makikita ‘yung anak ko? When we survived that ride, my perspective changed.

“Sabi ko, hindi naman ako nagmamadali. I wanna be with my daughter. Hindi ko na maibabalik ‘yung unang taon niya,” pahayag ni Cong. Mark.

Hindi nga siya tumakbo sa Senado at piniling tumakbo ulit na Congressman for his third and final term at nanalo naman.

First time daddy si Mark at pinangalanan nila ang kanilang first born na Emma Therese.

“We prayed to St. Therese, sabi namin, “if you give us a daughter, we will name it after you”. Tuwang-tuwa kami,” he said.

Iba raw pala ang feeling ng isang ama na.

“Nawawala ‘yung pagod ko. It makes me want to be a better person. Gusto ko, when she grows up, she’d be proud of the person I’ve become,” say pa ni Cong. Mark.

Matindi ang pag-ibig na tumama kay Cong Mark sa kanyang asawa dahil kesehodang nagma-masters siya noon sa University of Chicago Booth School of Business, nagawa niyang pagsabayin ang pag-aaral at love life.

“Em was already pregnant with our first daughter when I graduated,” say pa ng anak ng real estate magnate at former Senator Manny Villar.

At mukhang suwerte naman talaga ang baby nila dahil bukod sa nanalo nga siya ulit bilang Representative, siya pa ang napili ni Digong na maging parte ng gabinete nito. As we all know, tinanggap na niya ang offer ng incoming President na pamunuan ang DPWH (Department of Public Works and Highways).

Direk Cathy nag-take over sa Story…

Nasa book 2 na ang The Story of  Us teleserye na pinagbibidahan nina Kim Chiu at Xian Lim. This time, si Cathy Garcia-Molina na ang makakatrabaho ng magka-loveteam.

Ito ang first time na makakatrabaho ng KimXi loveteam si direk Cathy at sey nga ng aktor sa kanyang huling panayam, sobrang excited and looking forward siya sa mga bagay na matutunan niya sa magaling na direktora.

Sa book 2 ay masasaksihan na ang transformation ng mga karakter nina Xian at Kim at join na nga rin sa cast si Shaina Magdayao.

Nagsimula nang mapanood si Shaina this week at ginagampanan niya ang papel na Lucia Cristobal.

New look si Shaina sa TSOU dahil ipinakulot pa ni direk Cathy ang kanyang buhok.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with