^

Pang Movies

Simula nang magwagi si Digong, ‘balimbing’ mas sikat na kesa sa durian

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines – Parang showbiz din ang pulitika, kung sino ang panalo at sikat, doon nagkakagulo ang mga tao. Kung dating durian ang pambansang prutas ng Davao, ngayon naman biglang dumagsa ang balimbing.

Balitang maraming taga-showbiz ang bumibisita kay incoming President Rodrigo Duterte.

Sana matulungan niya ang pelikulang Pilipino na makasabay sa showing ng mga dayuhang pelikula. Halos invaded na kasi ng mga Hollywood movies ang mga sinehan natin eh.

Sa isang okasyon nga kahit siksikan noon ay nakisabay si Mayor Duterte sa maraming tao para lang maagbigyan ang invitation ng aktres na si Kate Brios na taga-Mindanao.  Isang  katulad ni Mayor Digong ang kasagutan para ganap na matulungan  ang mga taga-pelikula. Pulos drawing at kwentuhan na lang kasi ang palaging naririnig sa pamahalaang nangakong tutulong noon.

Camille palagi na lang nawawalan ng anak sa TV

Marami ang nakakapuna na tuwing may serye si Camille Prats ay palagi na lang nawawalan ng anak ang kanyang role.

Palagi siyang nag-aalala kung paano makikita ang nawawalang anak. Wala na bang ibang role na pwedeng maibigay kay Camille ang Kapuso network para maiba iba naman? Nakakasawa na kasi ang paulit-ulit na papel niya. Mabuti na lang at may iba siyang show kasama si Suzi Entrata tungkol sa pagluluto at ehersisyo, ang Mars.

Kahit parehong FPJ show ni Coco, mas may ingay kesa kay Richard

Parang kulang sa ingay ‘yung show ni Richard Gutierrez na Ang Panday. Maganda pa naman ‘yung role ni Chard doon pero walang kabali-balita man lang. Dapat lang maging maingay ito dahil Fernando Poe, Jr. story ito mabuti pa nga ‘yung Ang Probinsyano, nadidinig kahit paano.

Natutuwa nga ‘yung mga nakukuhang mag-guest doon dahil napag-uusapan sila sa teleserye ni Coco Martin.

Mark Neumann hindi na pinag-uusapan

Nasaan na ba si Mark Neumann na bukang bibig noon? Sabi nila ay potential at talented actor daw ito pero bakit ganun parang hindi na napapanood ang TV show niya?

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with