^

Pang Movies

Marian nawala ang galit sa halik ni Dingdong

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Nakakatuwang panoorin sina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa skit nila kahapon sa Sunday PinaSaya. Nagtatampo/nagagalit si Marian sa asawang si Dingdong dahil hindi na raw siya pina-follow ni Dingdong sa Twitter, iyong niluluto niyang almusal hindi raw nito kinakain.

Pero nang magharap na sila sa eksena, alam mo nang hindi sila nag-aaway o nagtatampuhan sa personal nilang buhay dahil si Dingdong hindi makapigil tumawa sa mga eksena, si Marian kaya niyang maggalit-galitan kay Dingdong, pero hindi rin nakatiis nang halikan na siya ng asawa.

Sa opening spiels nga nila, kilig-kiligan si Marian at bakit daw lalo yatang gumuguwapo ang asawa niya.

Sagot ni Dingdong, naninibago lamang sa kanya si Marian dahil tuwing Sunday, hindi sila nagkikita, nasa studio ang asawa at siya ang nasa bahay na nag-aalaga sa kanilang Baby Letizia.  At dahil magkasama sila sa Sunday PinaSaya at iniwanan muna nila kay Mama Amalia ni Marian si Baby Zia.

Louise delos Reyes at Juancho Trivino huhusgahan na

Huhusgahan na ngayong hapon, after ng Eat Bulaga ang bagong afternoon prime drama ng GMA 7, ang Magkaibang Mundo, na magtatampok sa bagong love team nina Louise delos Reyes at Juancho Trivino.

Mukhang pinaghandaan ni Louise ang bago niyang soap, dahil kapansin-pansin na sexy ang figure niya ngayon. May bago ba siyang plano sa kanyang pag-aartista nga­yon, after more than a year siyang walang ginawang drama series?

“Ready na po ako ngayon na magpa-sexy, kung may offer, tatanggapin ko, 24 years old na rin po ako” sagot ni Louise.

“Pero mas challenging po sa akin ang role ko rito dahil mapapasabak ako sa acting kay Ms. Gina Alajar. Nakita po naman ninyo ang trailer pa lamang namin, kung paano ako pagmalupitan ni Direk Gina. Pero wala po sa akin iyon, kasama po iyon sa trabaho ko. Lagi nga niya akong nilalapitan tuwing matatapos ang eksenang sinampal niya ako, sinabunutan, pero alam ko namang hindi gustong gawin sa akin iyon ni Direk Gina, at nakakatulong pa iyon sa akin para maramdaman ko kung paano ako magri-react. Hindi na po bago sa akin ang mga ganoong eksena dahil madalas ko nang nagawa iyon sa mga nauna ko nang drama series na nagampanan ko na.”

Hindi rin nakaligtas si Louise sa ta­nong tungkol sa kanyang lovelife.  Nga­yon lamang niya nilinaw ang tungkol sa pagli-link sa kanila noon ni Aljur Abre­nica.  Hindi raw sila nagkaroon ng relasyon ni Aljur, siguro napaghi­nalaan lamang siya ng loob ng actor nang panahong iyon na may pinagdaraanan ito. Itinanggi rin niya ang balitang boyfriend niya ang vocalist band member na si Champ Lui Pio.

Barkada raw lamang niya si Champ at kung minsang may gig ito at ang kanyang banda, naiimbita siyang manood. After daw ni Enzo Pineda, wala siyang naging ibang boyfriend. Paano si Juancho, pwede bang manligaw ito sa kanya?

“Matagal na po kaming friends ni Juancho, hindi pa kami nagkakasama sa GMA. May time na rin kaming nakapag-date, pero friendly date lamang iyon. Ayaw ko po munang magsalita, pero marami po akong gustong magawa ngayon, kaya ang focus ko muna ay sa trabaho ko kasi medyo mahirap ang role na ginagampanan ko ngayon.”

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with