^

Pang Movies

Kris magtatago kuno ng dalawang buwan pagkatapos ng eleksiyon!

Jun Nardo - Pang-masa

Two months daw ang bakasyon ni Kris Aquino after ng elections kasama ang mga anak na sina Joshua at Bimby pero hindi niya sinabi kung saan ang destinasyon nila.

Hindi rin sinabi noon ni Kris ang lugar ng bakasyon nila pero sa succeeding post niya sa social media account niya eh nalaman din ng publiko na sa Hawaii sila nagpunta.

Wala na rin kasing bago sa post na ito ni Kris na paeklay. Ibinubuking din niya ang kanyang sarili sa bandang huli. Kung health reasons ang una niyang dahilan sa paglayas sa bansa, this time, mommy duties naman ang palusot niya.

Hula ng ilang netizens, kapag nanalo ang manok niya sa halalan, puputulin ni Kris ang bakasyon at magmamadaling bumalik ng Maynila, huh!

Bandila, times two sa kapalpakan

Take two na ang kapalpakan ng Bandila kung hindi kami nagkakamali sa paglabas ng maling balita, huh!

Sa tanda namin, pumalpak ang evening news program ng ABS-CBN sa isang pangyayari sa isang bayan sa Pangasinan. Bilang ganti, naglabas sila ng magagandang balita tungkol sa bayang ‘yon sa Norte.

This time, inilabas ng news program ng Dos ang diumano’y isa sa bahay ni Duterte sa Metro Manila with matching picture. Kaso, umalma ang totoong may-ari ng bahay at pinabulaanan na pag-aari ni Duterte ‘yon, huh!

No wonder, tinalakan ni Lea Salonga ang nasa likod ng Bandila sa maling balitang ‘yon. Wala man lang daw effort silang alamin kung totoo o hindi ang ibinato sa kanilang balita, huh!

Naku, sipain na ‘yang mga taong pumapatol sa maling balita, huh!

Marian umariba sa morning

Umarangkada ang talk show ni Marian Rivera na Yan Ang Morning.

Tinutukan talaga ng mga tao ang bagong show ng GMA Primetime Queen kaya naman bukod sa pag-trend nito sa Twitter eh, nanalo pa sa ratings, huh!

Fresh na fresh kasi ang ideas na napapanood sa show. Iba’t ibang putahe rin ang handog and most of all, fresh pa rin ang byuti ni Yan sa programa hindi gaya ng mga host sa iba na has been na, huh!

Sen. Chiz hindi forte ang pumutak

One good character sa VP bet na si Sen. Chiz Escudero ay ang hindi niya pagiging talakero sa mga umaaway sa kanya hindi gaya ng ibang vice presidentiables na putak nang putak!

Maraming umaaway sa kanya pero never siyang bumuwelta sa mga ito para awayin.

Ayon sa asawa ni Heart Evangelista, hindi naman kasi ang manira ang forte nila ng ka-tandem na si Sen. Grace Poe dahil isinusulong nila ang malinis na pangangampanya bilang tanda ng malinis na intensyon nila para sa bayan.

“Hindi mo naman kailangang apakan ang ibang tao para umangat ka,” rason ni Sen. Chiz.

No wonder, sa eleksyong ito, ipinagmamalaki ni Sen. Escudero na mas dumami ang kaibigan niya kesa sa kalaban. Rason niya, hindi kailangang mang-away at gawing personalan ang labanan dahil hindi naman natatapos ang lahat sa halalan lang.

“Palaban ako pero hindi ako palaaway. Pinipili ko ‘yung laban na pinapasukan ko!” katwiran pa ni Sen. Chiz.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with