^

Pang Movies

Isko nakita ang 7,100 islands ng Pilipinas dahil sa eleksiyon

- Vinia Vivar - Pang-masa

Hindi raw ikinakahiya ni Manila Vice Mayor at tumatakbong Senador na si Isko Moreno ang kanyang mga nagawa sa showbiz dahil ito ang naging paraan para makilala siya ng mga tao. Dito siya unang tinangkilik lalo na ng masa.

“Noong ako naman po ay pumasok sa pamahalaan ay hindi ko naman po tineyk-advantage ‘yung opportunity na ibinigay sa akin sa public service, na mag-public service and at the same time ay mag-artista.

“In fact, it’s the other way around. Nu’ng nasa public service na ako, nag-focus ako sa public service to be an efficient member of the government or bahagi ng pamahalaan.

“Naglingkod ako ng maayos. Sa awa ng Diyos, nanatili ako ng 18 taon. Ngayon po, kung ‘yan po ay paulit-ulit na lamang lalabas, ay wala na po akong magagawa. Eh talaga po namang nangyari po ‘yan. Hindi ko po ‘yan ikinakaila, ‘yang litrato na ‘yan.

“Mga bagay na ginawa ko ‘yan upang gampanan ko ‘yung aking responsibilidad bilang isang artista at matugunan ko ‘yung ninanais ng direktor at makunan niya ‘yung karakter na gusto niyang lumabas sa isang eksena,” mahabang pahayag ni Isko.

Samantala, ilang tulog na lang ay eleksyon na and manalo or matalo, ayon kay Isko, if there’s one thing na dapat niyang ipagpasalamat sa eleksyon na ito ay ang pagkakaron niya ng oportunidad na maikot ang buong bansa during the campaign period.

“Na hindi lahat ng Pilipino, mabibigyan ng pagkakataon na makita ang ating napakagandang bansa. Totoo pala ‘yung 7,100 islands,” he said.

Jason hindi sinabayan ang galit ng asawa

Para kay Jason Francisco, kaya naman nilang patawarin ang nang-bash sa misis niyang si Melai Cantiveros at naghangad ng hindi maganda sa anak nilang si Baby Mela.

“Nakapagsalita siya ng masama pero hindi naman siya kasi nanakit. Kaya lang, nanakit siya ng damdamin ng tao,” say ni Jason nang makausap namin sa Artists For Mar Roxas presscon last Tuesday.

Aminado siyang napaiyak talaga si Melai nang mabasa ang message mula sa basher.

“Nilait din po niya ang asawa ko, pero sabi nga ng asawa ko, okay lang naman siya, siyempre, iba-iba tayo ng tingin sa tao. Ako siyempre ang nasaktan.

“Sabi ko nga sa asawa ko, “ga, ayaw na kitang samahan sa galit kasi pag dalawa tayo, baka tayo naman ang maging masama”. So, sabi ko sa kanya, susuportahan na lang kita.”

Sa sobrang sama nga ng sinabi ng basher sa baby nila ay hindi ito magawang ulitin ni Jason.

Tungkol naman sa binabalak na pagdedemanda ni Melai, ani Jason ay hindi pa raw alam sa ngayon kung ano ang mangyayari.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with