^

Pang Movies

‘Para sa akin this is all destiny’ - Heart sa kandidatura ng asawa

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

May konting ubo si Heart Evangelista habang ini-enterview ng entertainment press after ng launch cum presscon ng naughty primetime series na Juan Happy Love Story ng GMA 7 na muli nilang pagtatambalan ni Dennis Trillo.

Sa sobrang pagod na rin daw at init ng panahon kaya sinusumpong siya ng asthma.

Sa trailer pa lamang, kitang-kita na ang mga naughty scenes sa pagitan nina Heart as Happy at Dennis as Juan kaya unang tanong, may ilangan ba sa pagitan nila?

“Sobrang ilang ako sa simula,” sabi ni Heart.  “Noong una kasi kaming magtambal ni Dennis sa Dwarfina, wala namang ganoong mga kissing scene, dahil dwende ako, naka-chromac ako, solo lamang ako sa eksena.

“Pero later on sa pagti-taping, wala na kaming ilangan, kasi paulit-ulit na rin naming ginagawa,” natatawang kwento ni Heart.  “Pero sabi nga namin ni Dennis, we will be young once na lamang, pwedeng gawin na namin ngayon, iyong mag-experiment kami, baka kapag tumagal na, hindi na pwede.”

Wala bang bawal kay Senator Chiz Escudero sa mga eksenang iyon?

“Wala naman, swerte ko na nagkaroon ako ng asawang hindi seloso.  Kung minsan nga na nagbabasa ako ng script, nakikibasa siya at wala naman siyang sinasabi sa akin kapag nababasa niya ang mga eksenang gagawin namin ni Dennis.  Basta masaya ako na nakagawa ako ngayon ng ibang klase ng serye. Nasanay na kasi akong mag-drama at dito, ang bilin sa akin ni Direk LA (Madredejos), kung medyo malungkot ang eksena, hindi ko dapat patuluin ang luha ko, glassy eyes lang.  At alam ko na magbibigay ako ng saya sa mga manonood, kaya excited na akong mapanood din ninyo ang aming serye simula sa Monday, May 16, after ng Once Again.  Naughty man ang aming serye, pwede naman ninyong mapanood dahil tulog na ang mga bata kapag airing na nito.”

Hindi maiwasang tanungin si Heart kung ano ang mga plano niya after ng national elections sa May 9, na kandidato nga for vice-president ang asawa.  Ready na ba siyang maging asawa ng vice president?

“I don’t think about that.  Para sa akin this is all destiny.  Nagawa na namin ang lahat, I supported him 100 percent.  Actually, nang malaman kong tatakbo siya, medyo natakot ako, but as a wife, I supported him all the way.

“Uuwi kaming buong pamilya sa Sorsogon in Bicol sa May 7, at sasamantalahin na naming magbakasyon kahit ilang araw lamang.  Babalik din naman ako agad dito dahil may taping ako.  Kapag tapos na ang lahat, baka ituloy na namin ang honeymoon na hindi pa namin nagawa.  At napi-feel ko na rin na gusto ko nang magkaanak, kaya tatapusin ko lamang itong soap namin at gusto kong magkaroon na kami ng time with ourselves ni Chiz.  Sa kampanya, hiwalay kami, minsan nagkikita na lamang kami just to say goodnight with each other, dahil pareho kaming pagod.”

If ever bang mag-aanak na sila ni Sen. Chiz, ilang anak ang gusto niya?

“Dalawa lang, kasi may dalawa na kami ni Chiz, ang kambal.”

Saan sila magha-honeymoon ni Sen. Chiz kapag tapos na ang eleksyon?

“Depende kung saan, takot kasi ako sa bomba-bomba,” natatawang sagot ni Heart.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with