^

Pang Movies

Coco naalala ang kahirapan nila kay Isko

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Sa kabila ng kanyang busy schedule, naglaan ng libreng araw si Manila City Vice Mayor Isko Moreno para makasama niya ang entertainment press, ilang araw bago maganap ang eleksyon.

Tumatanaw si Papa Isko ng malaking utang na loob mula sa entertainment press na naging suppor­tive sa kanyang showbiz at political career.

Kahit abala na siya sa pangangampanya, tiniyak ni Papa Isko na makakapiling niya ang entertainment writers.

Nakasama ni Papa Isko si Coco Martin sa kampanya sa Palawan ng Partido Galing at Puso.

Naantig ang damdamin ni Coco nang marinig nito ang speech ni Papa Isko dahil pareho sila na galing sa hirap kaya naka-relate siya sa mga karanasan ng original Tondo Boy.

Sa pagharap ni Papa Isko sa mga entertainment writer, tiyak na tatanungin siya tungkol sa paghaharap nila ni Coco.

Open book sa public ang mga hirap at pagdurusa na pinagdaanan ni Papa Isko na inspirasyon ng mga kapus-palad na nangangarap na mapaunlad ang kanilang buhay.

Nova at Freddie kabisado na ang isa’t isa

Mapapanood sa This Time ng Viva Films ang aking high school classmate na si Nova Villa.

Importante ang role ni Mama Nova sa pelikula nina James Reid at Nadine Lustre dahil siya ang hinahanap na girlfriend ni Freddie Webb na gumanap naman bilang lolo ng karakter ni James.

Sosyal si Mama Nova dahil lumipad pa sila ni Freddie sa Japan dahil dito kinunan ang kanilang mga eksena. Kasama nila na bumiyahe sa Japan sina James at Nadine.

Gamay na gamay na nina Mama Nova at Freddie ang isa’t isa dahil sila ang love team sa sikat na sitcom noon na Chicks To Chicks. Sa tunay na buhay, Freddie ang pangalan ng asawa ni Mama Nova.

GMA na-set up na ang coverage sa election

Magsasanib-puwersa sina Mel Tiang­co, Mike Enriquez, Arnold Clavio, Howie Severino at Vicky Morales sa pag­ha­hatid ng mga mang­yayari sa eleksyon sa darating na Lunes, May 9.

Fully-booked ang la­hat ng mga studio ng GMA 7 dahil sa live coverage ng eleksyon  na pi­na­kahihintay ng lahat.

Nag-advance taping na ang ibang mga programa ng GMA 7 dahil wala silang magagamit na studio at ito nga ang dahilan kaya pahinga muna ng dalawang linggo ang Wo­wo­win, ang game show ni Willie Revillame.

TV reporter, researcher, at cameraman, ‘di nakakaboto

Alam n’yo ba na tuwing may mga eleksyon sa bansa natin, hindi nakakaboto ang karamihan sa mga television reporter, researcher at cameramen ng mga network?

Nadedestino ang karamihan sa kanila sa mga malalayong lugar kaya wala na silang panahon para bumoto.

Nanghihinayang man, walang magagawa ang television industry workers dahil para silang mga sundalo na bayan muna ang iniisip bago ang sarili.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with