^

Pang Movies

Kris Bernal pinagtaksilan!

Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinakamasakit ang pagtaksilan ng isang asawa ngunit kaya bang tiisin ng isang misis na alagaan ang taksil na mister na kasama sa iisang bubong ang kalaguyo ni mister na isang lalaki rin pala?

Ngayong Sabado sa Magpakailanman, panoorin ang totoong kuwento nina Samantha, Angel at Ramil – isang kakaibang love triangle story sa pagitan ng isang babae at dalawang lalaki.

Itinatampok sina Kris Bernal bilang Samantha, Gabby Eigenmann bilang Ramil, Dominic Roco as Angel, Dexter Doria bilang Agnes, Bryan Benedict bilang Diego, at Ashley Cabrera bilang Bernadette.

Masaya ang pagsasama nina Samantha at Angel. Nagkaroon din sila ng anak na babae. Pero makalipas ang dalawang taon ay nagbago bigla si Angel. Madalas ay gabing-gabi na kung umuwi ito. Sa tuwing, tatanungin ni Samantha si Angel kung bakit siya ginabi na uwi, sasabihin lang nito na nag-overtime siya at may mga tinapos na trabaho.

Isang araw, nadiskubre niya ang lihim ni Angel. May karelasyon palang ibang lalaki ang mister niya. Inaway ni Samantha si Angel. Inamin ni Angel ang totoo kay Samantha at humingi ng tawad. Nangako si Angel na magbabago at aayusin ang kanilang pamilya. Nakipagbreak din agad si Angel kay Ramil. Naintindihan naman ni Ramil si Angel kaya hindi na ito naghabol pa at nanggulo.

Isang araw, sinumpong si Angel ng matinding sakit sa sikmura. Hindi malaman ni Samantha kung ano ang gagawin kaya ang unang pumasok sa isip niya ay ang tawagan si Ramil. Pumunta agad si Ramil at nagkakilala sila ni Samantha. Nalaman ni Samantha na matagal na palang may cancer si Angel at si Ramil ang laging nag-aalaga rito noon. Inalagaan pareho nina Samantha at Ramil si Angel.

Bago mamatay si Angel ay nagbilin siya kay Ramil, na kung sakaling mawala na raw siya ay bantayan nito ang kanyang pamilya. Hindi nagtagal ay namatay na si Angel. Tinupad ni Ramil ang habilin sa kanya ni Angel. Laging dinadalaw ni Ramil sina Samantha. Masaya naman si Samantha dahil lagi silang inaasikaso ni Ramil hanggang sa naramdaman na lang nina Samantha at Ramil na gusto na nila ang isa’t isa.

Magawa kaya nina Samantha at Ramil na ipaglaban ang nararamdaman nila? O magpapatalo ba sila sa panghuhusga ng iba?

Mula sa mahusay na direksyon ni Michael de Mesa, huwag palampasin ang Magpakailanman ngayong Sabado ng gabi pagkatapos ng Lip Sync Battle Philippines sa GMA 7.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with