^

Pang Movies

Tuloy ang pangangampanya Pacquiao dinedma ang pralala ni P-Noy na target siya ng Abu Sayyaf

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Tuluy-tuloy ang pangangampanya ni Congressman Manny Pacquiao sa lahat ng sulok ng Pilipinas.

Dedma si Papa Manny sa pralala ni P-Noy na may plot ang Abu Sayyaf Group na kidnapin siya. Ngayon pa ba siya matatakot eh pangatlo na siya sa survey ng mga senador na type na iboto ng mga kababayan natin?

I’m sure, nag-iingat din si Papa Manny pero hindi ang tipo nito ang magpapaapekto sa pralala ni P-Noy. Para que pa’t naging Pambansang Kamao siya at boxing legend kung paiiralin niya ang takot.

At dahil si P-Noy ang source ng balita tungkol sa kidnapping plot kay Papa Manny, pinatulan ng international press ang isyu.

International celebrity si Papa Manny kaya lumabas sa mga newspaper sa Amerika ang diumano’y tangka na pagkidnap sa kanya. No mention ang isang US newspaper tungkol kay Kris Aquino na kasama rin daw sa mga tina-target na dukutin ng mga terorista.

Bank secrecy law, hindi iginalang? Pasabog ni Trillanes tungkol sa pera ni Duterte, hindi na nakakagulat!

Hindi shocking ang pasabog ni Senator Antonio Trillanes IV na may daang milyong piso na bank deposit sa isang bangko sa Pasig City si Davao City Mayor Rodrigo Duterte dahil normal sa mga kandidato ang magsiraan habang papalapit ang eleksyon.

Mas interesado ako kung paano nagkaroon ng kopya ng mga ebidensya si Papa Sonny, kung totoo man ang akusasyon niya kay Papa Rody. Ano na ang nangyari sa bank secrecy law?

Bilang bank depositor, may valid reason para mag-alala ako. Paano ako nakakatiyak na hindi malalaman ng mga tao ang mga datung ko sa bangko?

May dapat ipaliwanag ang bank personnel na nakakaalam sa mga transaction ni Papa Rody dahil sa mga alleged evidence na hawak ni Papa Sonny.

Mga sikat na artista join sa Labor Akay

Mga sikat na artista ang sasali sa Labor Akay, ang fund-raising event na magaganap sa Linggo sa Pioneer Market sa Pioneer St., Mandaluyong City.

Ang mga artista na may karamdaman ang mga beneficiary ng fund raising show ng Damay Kamay Foundation, isang non-profit organization ng concerned artists.

Mga participant at supporter ng Labor Akay sina Martin Nievera, Judy Ann Santos,  Bela Padilla, Louise Delos Reyes, Cesar Montano, Luis Manzano, Billy Crawford, Jao Mapa, Giselle Sanchez, Ricky Davao, Candy Pangilinan at marami pang iba.

Richard Merk posibleng maputulan ng paa

Sina Richard Merk at Julio Diaz ang dalawa sa mga showbiz personality na tutulungan ng Damay Kamay Foundation.

Tagumpay ang brain aneurysm surgery kay Julio na nagpapagaling na lang sa isang ospital sa The Fort. Hindi nabigo ang panawagan ng mga nagmamalasakit kay Julio dahil marami ang tumugon sa panawagan nila na tulungan ang aktor sa hospital expenses nito.

Wala akong balita tungkol sa kalagayan ngayon ni Richard na napabalita na baka maputulan ang paa.

Active pa rin si Richard sa social media, isang indikasyon na normal na uli ang pakiramdam niya.

Nagpapasalamat si Richard sa lahat ng mga show­biz personality na nagkaisa para tulungan sila ng kanyang misis na may sakit din. Sinabi ni Ri­chard na habambuhay nito na tatanawin na malaking utang na loob ang pagtulong ng mga tao na nagmalasakit at nagmamahal sa kanila ng asawa niya.

Marian hindi ini-expect na bongga ang unang magazine cover ni Baby Z

Maraming beses ko nang naisulat na si Baby Zia ang cover girl ng May 2016 issue ng YES! magazine.

Mabibili na ang mga kopya ng YES! sa mga supermarket at magazines stores pero hanggang kahapon, wala pang kopya ng magazine si Marian.

May nagkuwento sa akin na nagulat si Marian dahil ang laki-laki ng litrato ni Zia sa magazine cover. Halata raw na proud mother si Marian sa panganay nila ni Dingdong Dantes.

Samantala, walang conflict sa mommy and wife duties ni Marian ang taping ng Yan Ang Morning!

Nagpapasalamat siya sa GMA 7 management dahil inayos na mabuti ang sche­dule niya para hindi maging sagabal ang tapings ng Yan Ang Morning! sa mga responsibilidad niya bilang asawa at ina.

Twice a week lang ang taping ng Yan Ang Morning! at dahil mabilis na direktor si Louie Ignacio, mabilis na natatapos ang trabaho ni Marian. Minsan nga raw, half day lang ang taping niya kaya may panahon pa siya para sa kanyang mag-ama.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with