^

Pang Movies

Sunshine choosy sa lalaki!

- Vinia Vivar - Pang-masa

Sey ni Sunshine Cruz, tatlong taon na raw siyang walang love life. Simula nang maghiwalay sila ng asawang si Cesar Montano ay wala naman daw siyang nagiging boyfriend pa at hindi nga rin daw niya alam kung bakit laging may tsismis na may bago na siyang karelasyon.

“Lagi namang ganu’n, wala namang binabanggit kung sino,” say ni Shine.

“Sana nga meron kaya lang wala pang maglakas-loob. Merong naglalakas-loob pero hindi ko naman type. So, kung hindi mo type ang isang tao and you’re this age, hindi mo na papatagalin, ‘di ba? Basterin mo na agad. You don’t waste their time. If you don’t like them, goodbye. But if you like them, yes,” sey ng aktres.

Aminado naman si Shine na may mga nanliligaw sa kanya pero talaga raw wala pa siyang napupusuan.

“Kasi, I think naman, kung sakaling may mapusuan ako, it’s been three years, we all deserve to be happy. I deserve to be loved, ‘di ba?”

Pero hindi naman ba traumatic ang naging experience niya sa estranged husband?

 “No, it’s a good feeling to be in love. Napakasarap ma-in-love at hindi ako mato-trauma sa pagkakataong ‘yun. I just think that I haven’t found the right one.”

Open naman daw siya sa mga anak niya and in fact, ang mga ito pa raw ang nagsasabing makipag-date na siya.

 “Kasi work ako nang work. Work, tulog, kids. “You deserve to be happy, why don’t you date?”, ganu’n sila sa akin eversince. They’ve been very supportive and they understand the scenario,” pahayag pa ni Shine.

Samantala, kasama ang aktres sa teleseryeng Dolce Amore na magsisimula na ngayong Feb. 15 starring Enrique Gil and Liza Soberano. Gagampanan niya ang role ng isang nurse na asawa ng karakter ni Andrew E. at kung sino raw ang anak niya, ‘yun ang secret pa at madidiskubre na lang sa serye.

Ate Gay iniyakan ang concert sa MOA

Ayon sa concert producer na si Joed Serrano, hindi siya natatakot sa malalaking concert na kasabay ng kanyang Panahon ng May Tama Valentine concert featuring Ate Gay, Gladys Guevarra, Boobsie Wonderland and Papa Jack na gaganapin ngayong gabi, Feb. 13 sa Smart Araneta Coliseum

 “Alam ko, pulso ko na naghahanap ng kakaiba ‘yung mga tao for a Valentine show so ito ‘yun. Alam n’yo naman na mahilig akong mag-gamble, eh. From Vice Ganda to Alex (Gonzaga), even ‘yung concert kay Gangnam, Jonas, alam n’yong mahilig akong mag-gamble.

 “And I like it. Kasi doon natin nakukuha kung sino ‘yung uusbong na stars, kung sino ‘yung papanoorin sa susunod, so okay ako do’n,” say ni Joed.

Aminado naman siyang may mga lugi rin siyang produced na shows pero hindi ‘yung tsismis na flop ang Ate Gay concert nito sa Mall of Asia Arena noong 2012.

At mismong si Ate Gay na rin ang nagsabi na hindi talaga flop ang show niya at hindi totoong ipinamigay na lang ang tickets.

 “Umiyak ako do’n sa mga nagsabing parang si Ate Gay daw ‘yung show ni Alex Gonzaga na namigay ng tickets. Hindi po, ang layo. Ang ganda-ganda po ng nangyari ng MOA Arena ko. Katunayan, after MOA, in-offeran pa ako ni Joed, humindi na ako kasi wala naman akong regular TV show.

“Ang hirap-hirap mag-show ng ganu’n kalaki na hindi ka naman nakikita sa TV,” say ni Ate Gay.

Pero thankful siya na kahit nag-no siya sa 2nd show ay inalok siyang muli ni Joed for another show at ito nga ‘yung Panahon ng May Tama.

Susunod na project ni Andrea Brillantes, secret muna

Namaalam na si Andrea Brillantes sa kanyang karakter sa Pangako sa ‘Yo na si Lia Buenavista.

Kagabi ang finale episode ng PSY at kahapon ay nag-post si Andrea ng pasasalamat sa kanyang karakter at sa ABS-CBN in her Instagram account.

 “Ma mimiss kita, Lia isa ka na sa mga paborito kong role na ginampanan ko. Hinding-hindi ko makakalimutan ang ating journey. Mula ng nagsimula kitang makilalang mabait, masunurin, madasalin at mapagmahal na anak hangang sa pag sungit mo at pagkagalit mo sa mundo nung nawala lahat ng sa iyo, minahal na kitang tuluyan.

“Naramdaman ko lahat ng pain sa puso mo. Sabay nating hinarap ‘yun nang may tapang.

“Thank you Lia dahil sayo ang daming taong naniwala saken sa pag-acting. Nagpapasalamat ako sa ABS-CBN at ako po ang napili nilang Lia. I love you Lia B i will miss you i will miss #pangakosayo #LiaB #psy,” post ni Andrea.

After PSY ay may kasunod na agad na project si Andrea sa Kapamilya network pero confidential pa at hindi pa pwedeng sabihin.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with