^

Pang Movies

Vic namayat sa ginawa nila ni Pauleen sa Maldives!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Nakabalik na ang mga bagong kasal na sina Vic Sotto at Pauleen Luna mula sa kanilang honeymoon sa Maldives at noong Martes ay nag-report na sila pareho sa Eat Bulaga.

Siyemrpe pa ay tampulan sila ng biro ng Dabarkads lalo na nang sabihin ni Vic na mas pumayat daw siya hindi tulad ng sabi na kapag nag-asawa siya, tataba siya.

Meanwhile, heartwarming ang post ng dating actress na si Angela Luz, kahapon ng umaga (Miyerkules) sa kanyang Instagram account na @angeleyes7889.  Si Angela ang ina ni Paulina Sotto, anak ni Vic sa kanya.  Ito ang post ni Angela.

“So we finally met. To Mrs. Sotto @pauleenluna thank you for your support for being there for my daughter.  I know the situation is not easy, but I appreciate all the understanding you have shown...for allowing Vic and I to still be proud parents together.  It means a lot to me and especially to my daughter.  Thank you.”

Sinagot naman ito ni Pauleen ng “Good morning! Thank you for being so warm last night.  I will never get in the way when it comes to Paulina.  I am as proud as you guys!  It was a pleasure to meet your family.  See you soon!”

Umani ng favorable comments mula sa mga netizens ang pag-uusap ng dalawa sa social media.  Nag-wish din sila ng peace and happiness for the two beautiful ladies na may beautiful souls.

Sarah hindi na raw marunong magselos

Nagpasalamat pa si Richard Gutierrez kay Derek Ramsay dahil nai-promote pa nito ang bago niyang fantaserye na Ang Panday dahil nagkaroon ng issue na sa actor daw unang ini-offer ang role ni Flavio. 

Pero si Donna Villa mismo ang nagsabi, na nang tanungin siya ng asawang si Direk Carlo Caparas na siya ring sumulat ng story, wala siyang ibang sinabi kundi si Richard ang bagay sa role.  Kaya nang masiguro raw niya na siya na si Flavio, pinaghandaan na niya (Richard) iyon dahil that time, medyo malaki nga ang katawan niya. 

Sa presscon, inamin ni Richard na twice a day siya nagwu-work out na sinamahan niya ng diet.  Ang ganda naman ng result dahil bagay na bagay kay Richard ang katawan niya ngayon, kaya hindi niya iniinda ang hirap sa taping.

Biniro si Richard dahil tatlo ang magiging leading lady niya, sina Jasmine Curtis Smith, Bangs Garcia at Sam Pinto, hindi raw ba magseselos ang girlfriend na si Sarah Lahbati.  Trabaho daw lamang iyon at alam naman ni Sarah ang trabaho nila.  Masaya rin si Richard sa pagtanggap niya ng role ni Flavio dahil hindi siya nanibago nang sa first taping day dahil ang inabutan niyang production staff ay mga dating nakasama na niya noon sa GMA7, na kasamang lumipat sa TV5 ng director nilang si Mac Alejandre.

Hindi rin bago kay Richard na idirek siya ni Mac Alejandre dahil noong nasa GMA pa sila pareho, ang tatlong blockbuster movies na ginawa niya sa GMA Films, ang Let The Love Begin, I Will Always Love You at In Your Eyes ay siya rin ang nagdirek.

Magsisimula nang mapanood ang Ang Panday sa February 29 sa TV5 kaya magpu-promote na rin si Richard simula sa Sunday, February 14, pero hindi raw niya makakalimutang maglaan ng oras para mai-date si Sarah dahil Valentine’s Day iyon.

Tampok pa rin sa Ang Panday sina Christopher de Leon as Lizardo, Alonzo Muhlach, Empoy, Chicser’s Ranz Kyle, CJ Caparas, Ara Mina, at Regine Tolentino.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with