^

Pang Movies

Beyoncé at Bruno Mars nagpasiklaban sa Superbowl

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Bongga  ang showdown nina Bruno Mars at Beyonce sa smash hit na Uptown Funk sa opening ng 2016 Super Bowl Halftime sa U.S.

Bago sumalang ang dalawa ay bilib na ang lahat sa performance ng Cold Play at sa pasabog ng mga participants sa paligid ng stadium.

Pero natalbugan ng engrandeng entrance ni Beyonce sa field ang performance ng Cold Play at ni Bruno sa stage. Ang sexy ni Beyonce sa kanyang outfit ganundin ang kanyang mga backup dancer na sabay-sabay sa kanilang transition ng mga step. Kahit mahusay si Bruno Mars, ilang beses nang napanood ng tao ang kanyang sayaw at performance sa hit song nitong Uptown Funk sa shows at concerts nito at maging ng mga kanta ng Cold Play sa Superbowl kagabi.

Samantalang bago sa paningin ng mga tao ang ipinakita ni Beyonce.

Nabitin naman ang crowd sa patalbugan nina Beyonce at Bruno na dapat daw ay mas hinabaan pa, kaya nagsisigaw ang mga tao na bumalik sila sa stage para maghatawan. 

Nagpapasalamat din ang audience sa pagbibigay ng tribute ng Cold Play, Beyonce, at Bruno sa mga great singing artists na ipinakita sa screen.

Siyempre magical at impressive rin ang fireworks at ilaw sa paligid ng stadium na taun-taon ay laging mas makulay at maganda ang palabas  sa half time show.

Sa umpisa pa lang ng kanta ng six times Grammy winner na si  Lady Gaga sa national anthem ay super galing na dahil touching at emotional na ang lahat maging ang mga player.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with