^

Pang Movies

?Nico Antoni?o at Bianca sumikat sa OTWOL

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Hindi na maabot si Nico Antonio, isa sa mga bida ng Tandem ng Quantum Films dahil may television commercial na siya para sa isang fast-food company.

Si Nico ang anak ni Atty. Joji Alonso, ang produ ng Quantum Films at ng Tandem na mapapanood sa mga sinehan sa February 17.

Sina Nico at JM de Guzman ang mga bida ng Tandem pero mag-isa lamang siya na nagpo-promote ng kanilang pelikula dahil hindi puwede si JM at huwag n’yo nang itanong kung bakit.

Nakilala rin nang husto si Nico sa On the Wings of Love bilang matiyagang manliligaw ni? Bianca Manalo.

?Movie nina Jennylyn at JLC wala pang title

May pelikulang ginagawa sina Jennylyn Mercado at John Lloyd Cruz.

Ang kontrobersyal na si Cathy Garcia-Molina ang direktor ng project na wala pang  title.

Kumikita sa box office ang mga pelikula ni Jennylyn kaya hindi nakapagtataka na itinambal siya kay John Lloyd.

At dahil forte ni Jennylyn ang mga romantic co­medy movie, tiyak na romantic comedy movie rin ang project nila ni John Lloyd.

?Manager ng aktor, adelantado?

May nagpayo sa isang talent manager na alamin ang lulugaran niya para hindi siya natatawag na adelantado.

Naloloka kasi ang mga reporter kapag iniinterbyu nila ang isang aktor dahil palaging sumasabat ang manager nito.

Kadalasan, ang manager ang sumasagot sa mga tanong para sa kanyang alaga na ikinaiirita ng mga reporter dahil hindi naman siya ang artista.

Wish ko lang, pinakinggan ng manager ang advice sa kanya dahil kung hindi, baka wala nang mag-interbyu sa alaga niya.

?Panday inikot ang ‘pinas para sa magagandang eksena

Ngayon ang grand presscon ng Ang Panday ng TV5 at Viva.

All star cast ang bagong project ni Richard Gutierrez sa Kapatid Network kaya naghanap ng malaking presscon venue ang Viva, ang co-producer ng TV5.

Dadalo rin sa presscon ng Ang Panday ang creator nito, ang direktor na si Carlo Caparas at ang misis niya na si Donna Villa.

Ipinaubaya ni Papa Carlo kay Mac Alejandro ang direksyon sa Ang Panday dahil hindi na niya type na mapuyat sa mga taping.

Sanay si Mac na gumawa ng mga epic project dahil siya ang direktor ng Amaya, ang teleserye ni Marian Rivera sa GMA 7 at ng mga Panday movie ni Senator Bong Revilla, Jr.

At dahil forte na niya ang mga malalaking project sa telebisyon, hindi nahirapan si Mac sa Ang Panday na kinunan ang mga eksena sa iba’t-ibang lugar sa Pilipinas, sa Ilocos Norte, Laguna at Tanay, Rizal.

Richard binigyan ng dalawang bagong babae?

Leading ladies ni Richard Gutie­rrez sa Ang Panday sina Jasmine Curtis Smith at Bangs Garcia.

Komportable sa isa’t-isa sina Richard at Jasmine dahil matagal na silang magkakilala. Bagets at hindi pa artista si Jasmine nang maging girlfriend ni Richard ang kanyang kapatid na si Anne Curtis.

Starring din sa Ang Panday sina Ara Mina, Carlos Agassi at siyempre, ang alaga ko na si Christopher de Leon.

Si Christopher ang main contravida sa Ang Panday. Siya ang gaganap na Lizardo na magpapahirap nang todo kay Flavio, ang karakter ni Richard sa pinakaabangan na big budgeted project ng TV5 at Viva.

Tinanggap agad ni Christopher ang role dahil challenging at maganda ito. Para sa iba, dusa ang Lizardo costume na ginagamit ni Christopher pero never siya na nagreklamo dahil excited nga siya sa kanyang bagong project.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with