^

Pang Movies

Mga kaibigan nag-iipon na Isabelle at Georgina, parehong sa Europe ikakasal

Jun Lalin - Pang-masa

MANILA, Philippines – Noon ko pa nai-blind item ang tungkol sa nalalapit na pagpapakasal ni Isabelle Daza at ng fiancé niyang si Adrien Semblat.

Ilang mga kaibigan na nina Isabelle at Adrien ang nagkuwento sa akin ng tungkol doon at pare-pareho silang excited.

Kung tama ang tsika ng ilang friends niya, later this year ang kasal ni Isabelle at ng French businessman na siya ring country manager ng isang athletic product brand sa ating bansa.

Sa April din ang kasal ni Georgina Wilson na pinsan ni Isabelle, so, “sukob” sila?

Sa magkapatid lang naman yata bawal ‘yung “sukob” na tinatawag at dahil magpinsan, wala naman silang dapat ikatakot doon!

Katulad ni Georgina, sa Europe rin daw magpapakasal sina Isabelle at Adrien kaya karamihan sa kanilang mga kaibigan ay medyo tipid-tipid daw dahil dalawang beses silang pupunta sa Europe sa taon na ito.

Martin ginawang hurado sa OPM show ni Anne

Magkakasama sina Martin Nievera, Lani Misalucha at Toni Gonzaga bilang judges ng I Love OPM (Original Pinoy Music), ang pinakabagong show ng ABS-CBN.

Mga foreigner singing Tagalog songs ang I Love OPM na iho-host ni Anne Curtis starting February 13 (after MMK) at may Sunday episode rin (after Rated K).

Masaya si Martin sa bagong show na ibinigay sa kanya ng Kapamilya network at hindi na muna iniisip ang sinasabi ng marami na dapat pa rin siyang bigyan ng late night daily talk show.

Samantala, dahil sa I Love OPM, medyo magtatagal sa bansa si Lani.

Tumanggap na rin ng maraming singing engagement si Lani habang nagdya-judge siya sa I Love OPM.

Kiray malamang na maging box office princess daw

Hindi tuluyang na-tsugi ang #ParangNormalActivity na nila-line-produce ng The Idea First Company nina Direk Perci Intalan at Direk Jun Lana para sa TV5.

Nang makatsikahan ko si Direk Perci, ikinuwento niyang nabigla sila dahil dapat noong January 30 ay last episode na nila at magpapahinga muna sana ang kanilang horror/mystery series, pero bigla silang sinabihan na gumawa uli ng new episodes at tuwing Sunday na sila mapapanood starting tonight.

Mabuti na lang daw at available ang mga artista niya, kaya nakapag-tape sila this week para sa episode nila mamaya na #FightNyt na tungkol sa tiyanak na umaatake sa mga tao sa isang resort.

“Siyempre, happy kami dahil extended ang #ParangNormalActivity at guest pa namin si Jasmine Curtis Smith. Buti na rin lang, available ang cast ng show, kaya nakapag-taping kami kaagad,” kuwento ni Direk Perci na isa rin sa creative consultants ng new TV5.

Matutuwa nga pala si Mother Lily Monteverde sa dialogue ni Direk Perci tungkol kay Kiray Celis na isa sa cast members ng #ParangNormalActivity.

Mukhang magba-box-office princess daw si Kiray dahil nakikinita ni Direk Jun na magiging hit ang pelikulang Love Is Blind ng Regal Entertainment na pinagbibidahan ni Kiray kasama sina Derek Ramsay at Solenn Heussaff.

Nagkita nga raw sina Direk Jun at Kiray sa premiere night ng Love Is Blind at biniro ng una ang huli.

Tuwing Sunday, 8:00 PM na nga pala mapapanood sa TV5 ang #ParangNormalActivity at may two episodes muna sila at mawawala sila ng two Sundays at sa March ay tuluy-tuloy na raw uli sila dahil may commitment lang daw ang TV5 at may kailangang ipalabas na iba ng dalawang Linggo.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with