^

Pang Movies

Mikael lumipad pa-Amerika dahil sa selos kina Tom at Megan?!

Jun Nardo - Pang-masa

Nilayasan muna ni Mikael Daez ang rumored girlfriend niya na si Megan Young. Nagliliwaliw ngayon ang Kapuso actor sa America dahil maluwag-luwag ang schedule niya.

Buti na lang, nagsama sa isang episode ng Dang­wa sina Mikael at Megan bago lumipad ang aktor. Kahit paano, nagkaroon sila ng ilang araw na romansahan, huh!

Pagbalik ng aktor, ang promotions naman ng international project na Fight for Love (Blood In Dispute) na partly shot in Cambodia ang kanyang aasikasuhin. Dinaluhan nila ng ka-partner niyang si Andrea Torres ang premiere nito sa nasabing bansa.

Mapapanood ang FFL sa GMA bago matapos ang taon.

Teka, baka ayaw lang mapanood ni Mikael ang bagong romansahan nina Megan at Tom Rodri­guez sa MariMar kaya lumayas siya agad-agad, huh!

Enchong nahuling malagkit ang tingin kay Piolo

Binigyang-malisya ng ilang netizens ang pagkatitig ni Enchong Dee kay Piolo Pascual sa kumakalat na photo mula sa isang sports event. Komo nga natsitsismis na bading si Enchong, huh!

But take note, may tsismis din na ba­ding si Piolo, huh!

Komento ng isang netizen, “Naku, they deserve each other, ‘no?”

Andi pinapak at niluray-luray ng apat na lalaki!

Hindi lang pinapak kundi niluray-luray pa nina Paolo Contis, Polo Ravales, Felix Rocco, at CJ Caparas si Andi Eigenmann sa movie na Angela Markado na production ng mag-asawang Donna Villa at Carlo Caparas.

Eh kung tame ang rape scene ni Dawn Zulueta sa The Maggie dela Riva Story na idi­nirek din ni Carlo, sa AM, sobrang lupit ng mga “rapists” niya, huh! Buti na lang, walang reklamo si Andi sa pananakit ng mga aktor, huh!

Ipinahatid ni Donna na iba ang producer ng comeback movie production nila.

Next year sila magsisimula ng movies na gagawin nila under Viva Films.

Isa na rito ang bagong edisyon ng Ang Panday na bagung-bago ang mga pasabog na handog.

vuukle comment

ACIRC

ANDI

ANDI EIGENMANN

ANDREA TORRES

ANG

ANG PANDAY

ANGELA MARKADO

BLOOD IN DISPUTE

BUTI

CARLO CAPARAS

DAWN ZULUETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with