^

Pang Movies

Sulit ang 18 hours labor Marian mas kamukha raw ni Baby Zia

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Kinausap via phone patch nina AiAi delas Alas at Barbie Forteza kahapon sa Sunday PinaSaya si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera.

Tuwang-tuwa si AiAi dahil nang makita raw niya ang picture ni Baby Zia, para siyang nananalamin lamang dahil Kambal nga ang tawagan nila ni Marian.

Sino raw ang kamukha ni Baby Zia, tanong ni Marian. At natuwa ang bagong nanay nang sagutin ni AiAi na half-half na kamukha nila ng husband niyang si Dingdong Dantes pero mas kamukha niya.

Nagpasalamat si Marian sa lahat ng mga nagdasal para sa pagsisilang niya kay Baby Zia, kahit daw 18 hours siyang nag-labor, sulit na sulit naman ang paghihirap niya matapos niyang makita ang anak, napakagandang biyayang ipinagkaloob sa kanila ng Maykapal.

Natawa si AiAi nang tanungin kung kailan babalik si Marian, sagot nito, ‘teka, umiiyak ang anak ko.’

“Huwag kayong mag-alaala, babalik muli si Judge MD,” sagot ni Marian. “Pero kung kailan, hindi ko pa alam.  Hindi ko pa pwedeng iwanan ang anak ko. Basta, maraming-maraming salamat sa inyong lahat.”

Gabby itinangging may ipinagawa sa mukha

Thankful si Gabby Concepcion sa GMA 7 dahil kung before ay madalas siyang gumaganap ng mga supporting and father’s roles, this time, sa first soap niya sa Kapuso Network, kahit pa father din siya ng four children, leading man naman siya ni Carla Abellana sa Because of You.

As Jaime Salcedo, isa siyang RTW magnate, guwapo, mabait, mayaman, mapagmahal, kaya ang kanyang mga girls sa kanyang opisina, tawag sa kanya, Boss Yummy.

Na totoo naman dahil sabi nga kay Gabby, paano niya na-maintain ang pagiging yummy niya kahit he just turned 51 years old na on his birthday last November 5? Biniro siya kung nagpapa-botox daw siya.

“Wala naman, siguro dahil I moisturize a lot, wala akong medical procedure na ipinagagawa dahil takot ako sa needle,” sagot ni Gabby. “I drink plenty of water, ang Aquabest (na siya ang endorser), nagwu-work out din ako, mahilig akong kumain, kaya hirap akong mag-diet, lalo na at hindi na ganoon kabilis ang metabolism ko tulad noon.  Weight ko ngayon is 185 lbs., kailangang mag-lose ako ng 20 lbs. dahil ang ideal weight ko ay 165. Siguro, babawasan ko na lamang ang mga kinakain ko ngayon.

“Feel good ang soap namin, na gusto ko naman ang tema dahil malapit na ang Christmas, kaya tiyak na magugustuhan ninyo itong panoorin, simu­la na ngayong Monday, November 30, after ng Little Nanay.”

Brian White at Alden, nagpasiklab

Special guest kahapon sa Sunday PinaSaya ang American singer na si Bryan White at kumanta siya ng I’ll Be Home For Christmas since Christmas episode na ng comedy variety show.

Then, kumanta ng acapella si Bryan ng ilang lines ng hit song niyang God Gave Me You at ni-request ni Alden Richards kung pwedeng sabayan niya sa  pagkanta si Bryan since the song is very close to his heart.

Nag-promote na si Bryan ng kanyang Bryan White Live In Manila concert na magaganap na bukas, December 1 sa Smart Araneta Coliseum.

vuukle comment

ACIRC

ALDEN RICHARDS

ANG

AS JAIME SALCEDO

BABY ZIA

BARBIE FORTEZA

BE HOME FOR CHRISTMAS

BECAUSE OF YOU

DAHIL

NBSP

NIYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with