^

Pang Movies

Gov. Vi all-out sa kanyang ‘huling’ foundation day sa Batangas

Jun Nardo - Pang-masa

Dadayuhin ni Governor Vilma Santos-Recto ang bayan ng Sto. Tomas, Batangas kaugnay ng 434th Foundation ng Province of Batangas kung saan gaganapin ang taunang Ala Eh! Festival tuwing Disyembre 1-8.

Ang Santo Tomas ang dating lugar ni Mayor at former Governor Sanchez. Naging mahigpit niyang kalaban ito sa pagka-gobernador pero nitong 2013 elections, sina­wing-palad si Sanchez at si Gov. Vi naman ang naluklok muli sa puwesto.

Pero ngayon, kabalikat ni Gov. Vi ang asawa ng dating gobernador na si Mayora Edna Sanchez para sa Foundation Day ng Batangas.

“My last foundation day as Governor ng Batangas!!!” text sa amin ni Gov. Vi.

Non-stop na kasiyahan ang matutunghayan sa Ala Eh! Festival. Ang biggest night ay magaganap sa December 7 kung saan grand finals ng singing search sa VSR (Voices, Songs & Rhythm) Night kung saan maraming showbiz performers ang invited ni Gov. Vilma.

Shalani mas gustong unahin ang asawa kesa ambisyon sa pulitika

Nais ipagpatuloy ni Mons Romulo ang maiiwang proyekto ng kapatid na si Congressman Roman Romulo sa Pasig City kaya sa Congress ang target niyang position sa 2016.

Eh, sa Senado na kasi gustong maglingkod ni Roman next year kaya si Mons na ang tatakbo sa mababakanteng posisyon ng kapatid.

Hindi na naman kasi bagito sa public service si Mons. Naging katuwang niya si Roman sa pag-iikot sa distrito ng Pasig City sa loob ng 12 taon. Inakala nga niya na si Shalani Soledad ang tatakbong congresswoman bilang kapalit ng asawa.

“But her priority is Roman and to get pregnant! Fa­mily first,” saad ni Mons sa chikahan niya sa entertainment press.

Single parent si Mons. Pero masaya na siya ngayon matapos ang unos sa kanyang married life. Kung hinihingan niya ng opinion ang mga anak sa pagpasok sa pulitika, kasabay rin nito ang pangungulit sa kanyang magkaroon na ng boyfriend, huh!

“Pero okey na ako ngayon.  Five happy years nang single parent! Ha! Ha! Ha! Tama na ‘yung masaya na kami ng mga anak ko,” rason ng sister ni Cong. Roman.

Naku, ayaw ni Marjorie Barretto ng ganyan na nakaalitan niya.

“Pinasisikat pa natin siya, huh! Ha! Ha! Ha!” bulalas ni Mons nang sisimulan na sana naming intrigahin.

Joyce atat awayin si Carla!

Bida si Joyce Ching sa katatapos na GMA 7 afternoon series na Healing Hearts. Pero sa bagong primetime program ng Kapuso Network na Because of You, balik-suporta ang young actress.   

“Okey lang po sa akin ‘yon. Actually, excited ako sa bago kong project dahil iba ang role ko kumpara sa nagawa ko noon. Palaging tweens ang kasama ko. Plus kung ang susuportahan mo naman ay Gabby Concepcion, Carla Abellana at Rafael Rosell, okey lang din. Excited ako na si Ate Carla ang aawayin ko!” hayag ni Joyce after ng press launch ng Because of You.

Bukod sa pag-away kay Carla, makikita rin ang rebelde side ni Joyce na naninigarilyo at gumigimik sa bar. Eh kumusta naman si Gabby na katrabaho?

“Sobrang saya po. Sobrang humble niyang tao! Ang dami niyang daddy jokes. ‘Yung jokes na sobrang waley pero matatawa ka na lang dahil sa kanya galing. Saka sobrang bait talaga. Hindi mo mapi-feel na Gabby Concepcion siya!” sey pa niya.

Pero kahit rebel child ang role ni Joyce, willing naman siyang lumabas sa mga mapangahas na role. ‘Yun nga lang, no-no siya sa pagpapaseksi nang todo sa screen dahil may standards daw siyang naka-set sa utak niya.

“Parang ayoko! Standards in life! Ha! Ha! Ha! Kasi parang hindi in the future, pag nakahanap ka ng mapapakasalan mo, ayaw ko na sasabihin ng anak ko na, ‘Uy, mommy, ikaw ba ‘to?’ parang ang hirap i-explain sa mga anak ko. Saka nakaka-awkward po pag ganoon!” rason ni Joyce.

vuukle comment

ACIRC

ALA EH

ANG

ANG SANTO TOMAS

ATE CARLA

BATANGAS

BECAUSE OF YOU

CARLA

GABBY CONCEPCION

PASIG CITY

PERO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with