^

Pang Movies

Megan parang laging may korona ang acting

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines – Parang mas may acting pa si Lauren Young kaysa sa kapatid niyang si Megan Young sa MariMar.

Wala kasing pakiramdam si Megan kapag inaapi-api siya ni Jaclyn Jose sa eksena!

Hindi raw siya mukhang nakakaawa dahil parang feeling niya ay palaging may nakapatong na korona sa kanya sa bawat eksena.

Hindi tuloy mag-klik ang pakulong type na type siya ni Tom Rodriguez, dahil identified naman ng lahat na meron siyang boyfriend na si Michael Daez.

Si Tom Rodriguez naman kahit may Carla Abellana na, ayaw pa rin umamin na sila na. Mabuti na lang na kasama sina Nova Villa at Tommy Abuel sa serye dahil kahit paano, maganda ang istorya kahit hindi mukhang mahirap si Megan sa istorya.

AiAi iniyakan ang kembot ni Wally

Sa hindi maipaliwanag na dahilan, hindi raw malaman ni AiAi delas Alas kung bakit habang sumasayaw si Wally Bayola sa Eat Bulaga ay naiiyak siya.

Hindi raw maipaliwanag ang kanyang nararamdaman.

Imagine, sa ganoong kalaking venue, isang kakilala mong Wally ang sumasayaw ng walang katakut-takot, siguro ay dahil pareho silang discovery ng comedy bar kaya grabe ang tuwa niya habang pinapanood si Wally.

Jose pinababalik na sa hukay ang mga Cuando

Walang duda, si Jose Manalo na talaga ang bagong Chiquito ng local showbiz. Idol pala niya ang style ng pagpapatawa nito hanggang sa pagsayaw at pagkanta.

Pareho silang may dimples, hindi papahuli si Jose ‘pag magkakasama na sila nina Wally at Paolo Ballesteros.

Umaariba ng sayaw si Frankie Arinoli na papel ni Jose sa kalyeserye.

Teka, totoo bang nagtatampo ang ilan sa mga Cuando, Cuando, Cuando niya dahil hindi nakasama ni Jose sa Philippine Arena noong magpalabas doon.

Bakit daw ang mga Rogelio ay kumpletong naroroon?

May nagkomento, hindi sila isinama ni Jose, dahil mahigpit sa Philippine Arena. Bawal magdala ng hagdan.

Mga taga-showbiz, kailangan din ng olympics

Balak ng Actors Guild of the Philippines na muling ibalik ang Star Olympic, ayon sa President nilang si Rex Cortes.

Ipakikita ng mga artista may kaalaman sila sa iba’t ibang uri ng sports.

Maganda namang magkaroon ng ganitong laro, kaysa pulos na lang pagpili ng Best Actor at Best Actress.

Nagdaos sila ng isang munting salu-salo sa MO­WELFUND kamakailan

‘Ang aming pakikisimpatya sa probinsya ng Nueva Ecija’

Gusto po naming makisimpatiya sa mga taga-Nueva Ecija na pinerwisyo ng bagyong Lando.

Isa sa mga naging biktima ay ang kapatid natin sa showbiz na si Direk Kaka Balagtas, Vice Mayor ng San Antonio, Nueva Ecija.

Nasira raw ang mga pananim nila doon sa ma­lawakang pagbaha. Isa ring naapektuhan ay bayan ng Jaen, maraming pananim din ang na­pinsala ng bagyo, ayon kay Mayor Santi Austria.

Si Mayor Santi ang nag-iimbita sa mga artista doon, tuwing may kapistahan para sumakay ng motorcade. Ang mga artistang dumalo sa mga nakapunta na sa Jaen ay sina Marian Rivera, Lovi Poe, Angel Locsin, Rochelle Pangi­linan, Sexbomb dancers, Ejay Falcon, Derick Monas­terio, Krystal Reyes, Miggs Cuaderno, Jazz Ocampo, Kim Rodriguez, at ang pinakahuling naimbitahan ay si Joyce Ching.

Gustong iparating ng mga artista ang kanilang pakikiisa na sana’y makaraos na ang mga napinsala sa problemang hinaharap nila.

vuukle comment

ACIRC

ACTORS GUILD OF THE PHILIPPINES

ANG

ANGEL LOCSIN

BEST ACTOR

CUANDO

HINDI

MGA

NUEVA ECIJA

PHILIPPINE ARENA

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with