^

Pang Movies

Sarah sold out agad ang concert tickets kahit isang araw pa lang ibinibenta!

- Vinia Vivar - Pang-masa

Todo na ang paghahanda ni Sarah Geronimo para sa kanyang 8th major concert, ang SG From The Top na gaganapin sa Smart Araneta Coliseum on Dec. 4, 2015.

Sa ngayon ay namimili na raw ng gowns na isusuot ang Popstar at naghahanda na ng line-up ng kanyang kakantahin.

November 15, 2013 pa ang huling major concert ni Sarah, ang Perfect 10 sa The Big Dome.

Napuno niya ang Araneta at dahil marami pa rin ang hindi nakapanood, nag-decide ang Viva Live na magkaroon ng second night na ginanap sa Mall of Asia Arena noong Nov. 30 of the same year.

Wala siyang concert last year kaya naman sabik na sabik na ang kanyang mga tagahanga na mapanood siyang muli in her own major concert.

Kaya naman ang agang naubos ng General Admission and VIP tickets. Dumagsa ang fans ni Sarah noong first day of selling ng tickets held last October 1 sa Araneta para personal ding makita ang Popstar at bumili ng tickets.

Si Sarah mismo ang nagbenta sa ticket booth sa kanyang mga fans at first time raw nangyari sa Araneta na sold out agad ang VIP at GA sa first day of selling ng tickets.

Mother Lily nakatikim ng milyones sa first day showing ng The PreNup

Kaaliw ang dialogue ni Mother Lily Monteverde na for the longest time ay nga­yon lang sila nakatikim ng milyones na gross sa first day showing ng pelikula at ito ay sa The PreNup movie nina Jennylyn Mercado at Sam Milby.

Kaya naman, nagdagdag pa sila ng mga sinehan. From 130 ay mapapanood na sa 145 theaters ang The PreNup nga­yon.

Siyempre, tuwang-tuwa ang dalawang bida na si Jen and Sam dahil kinagat at nagustuhan ng tao ang una nilang pagtatambal.

Say nga ni Sam sa kanyang panayam kay Mario Dumaual ng ABS-CBN, ibinigay daw niya ang best niya sa movie at sobrang happy siya na nakita ito ng manonood.

Atty. Leila de Lima kursunada sina Cesar at Robin!

Humarap si Atty. Leila de Lima (former Secretary of Justice and now a senatiorial candidate under Liberal Party-led Koalisyon ng Daang Matuwid) sa ilang selected entertainment press last Saturday at aminado siyang before the pocket presscon, ninenerbyos siyang makaharap ang showbiz press.

“I know na mas marunong kayong mag-grill du’n sa mga unchartered territory ni Leila de Lima. ‘Yung hindi masyadong nakikita, ‘yung hindi masyadong alam ng mga tao. Alam ko, susubukan n’yo,” natatawa niyang sabi.

At tama naman siya dahil napakara­ming katanungang ibinato sa kanya na aniya ay ngayon lang naitanong tulad ng kanyang love life.

Natanong kasi kung mahirap bang mahalin ang isang Leila de Lima at tigas na kakatawa niya sa tanong.

“Sinasabi ko na nga, iba talaga kayong magtanong. ‘Yung mga ganyang questions, first time kong na. . .(encounter). Kayo lang ang mayroon talagang lakas ng loob na magtanong ng mga ganyang klaseng tanong,” she said laughing.

Pero sinagot pa rin niya, anyway.

“Siguro nga, mahirap. Because ‘yun ang problema kasi, wala talaga akong oras masyado sa kanila. Ang boyfriend ko at saka nagiging asawa ko, ‘yung trabaho ko.

“Pero siyempre, bilang babae, naa-attract din ako paminsan-minsan and therefore, in between, meron din relationship. But not so serious relationships,” she said.

Maswerte raw siya sa public life niya pero hindi siya naging masuwerte sa private life. Her marriage was annulled and there were a few relationships after that but they also all failed.

When asked kung may showbiz crush ba siya, aniya ay meron daw and mentioned Cesar Montano and Robin Padilla.

Nang tanungin kung sino ang gusto niyang kuning artistang mage-endorse sa kanya, aniya ay si Eddie Garcia bilang pareho silang Bicolano.

Manoy kasi ang tawag kay Eddie at ang ipinu-push niya raw na slogan ngayon ay “Kay Manay, pantay-pantay”.

Pero kung sino raw ang artistang willing mag-endorse sa kanya ay okay na okay daw sa kanya.

Mahilig manood ng pelikula si Atty. de Lima at matagal na raw niyang gustong mapanood ang Heneral Luna pero wala raw siyang time.

Kaya ang ginawa niya ay nagpa-block screening na lang siya kahapon ng nasabing movie sa Trinoma para mapanood niya at ng kanyag mga guests and friends.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ARANETA

BIG DOME

CESAR MONTANO AND ROBIN PADILLA

DAANG MATUWID

KAYA

LEILA

MGA

NIYA

PERO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with