^

Pang Movies

Namimirata ng Christian songs may go signal!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Ayaw naman nilang angkinin iyong credit, pero iyang A Song of Praise (ASOP) ang masasabi na nga siguro nating pinakamalaking Christian song competition sa ngayon. Apat na taon na ngayon iyan, at mukhang lalong lumalakas ang nakukuha nilang suporta mula sa mga Christian groups.

“Ang maganda pa, iyong mga kanta puwedeng mag-crossover eh. Pakikinggan mo at saka mo lang mare-realize na Christian song pala iyon, kasi iyong music niya contemporary eh,” sabi ng kanilang host na si Richard Reynoso. Sina Richard at Toni Rose Gayda na ang naging host niyan simula noong una, at hanggang sa radio, sila ang host ng nasabing show.

“Noong una, alam ko naman magkakaroon ng following, pero hindi ko alam na lalaki nang ganito iyong project. Noon nga ang akala ko tatagal lang iyan ng isang taon, pero dahil sa suporta ni Kuya Daniel Razon at saka siguro iyong Christian community na rin, lumaki talaga. At saka ang mapapansin mo, may ibang Christian groups na sumasali na. Hindi siya naging limited lamang sa isang community kahit na alam naman ng lahat na ang nagsimula iyan sa Dating Daan,” sabi pa ni Richard.

Ang lahat ng mga kanta na nakaabot sa finals sa bawat taon ay inilalagay nila sa CD, na hindi nila ipinagbibili kundi ipinamimigay lang.

“Kasi naniniwala kami na kung para nga sa Diyos iyan, at iyon naman ang dahilan kung bakit ginawa ng mga composer iyan, hindi iyan dapat na ipinagbibili. Hahanap kami ng ibang resources para mabawi ang gastos sa mga CD na iyan, pero hindi namin ipagbibili. Kasi ang gusto nga namin, marinig iyan ng mas maraming tao.

Biktima rin iyan ng piracy. May nakikita kaming pirated copies. Mayroon naman kaming website kung saan maaari ring i-download ang mga kanta nang libre. Sabi nga namin kung gusto nilang piratahin ok lang. Sige lang. Kasi gusto nga namin makarating ang mga kantang iyan at marinig ng mas marami. Bakit mo pipigilin iyong nagpaparami pa ng kopya. Kaya sabi nga nila kami lang daw ang record producer na hindi nagagalit kung ma-pirate man,” ang natatawang kuwento naman ni Kuya Daniel Razon.

Iyong kanilang finals ay gaganapin na sa Martes, Oktubre 13 sa Araneta Coliseum. Libre rin ang pagpasok diyan, pero may ipinamimigay yata silang tickets para sa control lang ng upuan. Makakakuha rin kayo ng libreng CD diyan. Pinakikinggan namin ang mga kantang kasali sa finals. Magaganda lahat.

Sa pag-ayaw ni Kris, Herbert makaka-concentrate na sa kampanya

It’s final, hindi na matutuloy ang pelikula ni Mayor Herbert Bautista para sa MMFF. Kung kami ang tatanungin, tama lang iyon. Hindi rin naman niya maaasikaso nang husto ang pelikula. Unang-una, siguro in a few more days maghaharap na siya ng certificate of candidacy, tapos magkakampanya na siya para sa kung ano mang posisyon ang tatakbuhan niya. Masasakop na rin siya ng media ban dahil sa eleksiyon. Eh ano ang mang­yayari sa pelikula niya, ni hindi siya maaaring mag-promote?

Isa pa, hindi lang naman ang mga beteranong comedians ang makakasabay niya, nari­yan pa rin iyong AlDub nina Alden Richards at Maine Mendoza na naka-suporta sa pelikula ni Vic Sotto. Mahirap mong sabayan iyon ngayon lalo na at ang linya mo ay comedy rin naman.

Kami ang palagay nga namin, sa popularidad nina Vic Sotto at AiAi delas Alas na magkasama sa isang pelikula, tapos naroroon pa iyong Aldub, mahirap mong gibain iyan sa takilya. Isipin ninyo iyong world record sa followers na certified ng Twitter, mahigit na 25 million in one day? Papaano mo naman gigibain ang ganoon kalakas na following?

vuukle comment

ACIRC

ALIGN

ANG

HINDI

IYAN

IYONG

KASI

LEFT

NAMAN

QUOT

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with