^

Pang Movies

Derrick irarampa ang bukol

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Mamayang gabi na rarampa ang tween actor na si Derrick Monasterio, sa Cosmo Carnival na gagawin sa SM Mall of Asia Arena. Ang ganda ng katawan ni Derrick dahil sa pag-e-exercise, paglalaro ng basketball at proper diet na no pork, fish, and white chicken. Biniro siya kung ipapakita ba niya ang lahat?

“Hindi po naman kailangang ipakitang lahat-lahat, para masabing hot,” natatawang sagot ni Derrick sa pocket presscon ng GMA Artist Cen­ter. “Kahit nakasando ka lamang puwede ka nang maging hot, sexy. First time ko po lamang rarampa para sa Cosmo at hintayin na lamang ninyo kung ano ang gagawin ko.”

Balita kasing si Derrick, kasama ang isa pang Kapuso actor na si Elmo Magalona ay may pa­yanig na gagawin sa pagrampa nila. Pero isa raw sa gagawin niya ang sumayaw ng mala-Magic Mike na pinag-aaralan daw niya. Hindi ba siya nai-insecure o ninenerbyos?

“Hindi naman po kasi nakita ko na iyong mga makakasama kong rarampa, kasama rin namin sina JC de Vera at Daniel Matsunaga. Siguro po, ang ikinatatakot ko, kung hindi darating ang fans ko, medyo malayo po kasi ang venue, ang iba manggagaling pa sa Ilocos. Pero nag-promise po naman na manonood sila.”

Sa ngayon, busy sa school si Derrick, kumukuha siya ng Political Science sa San Beda College at dream din daw niya na maging varsity player siya. Kaya wala muna siyang TV guestings dahil three times a week siya pumapasok sa school tapos may workshop pa siya para sa coming drama series na pagtatambalan nila ni Bea Binene. May mga schedule rin siya as ambassador ng National Youth Commission at gusto niyang maging role model ng mga kabataan. Nagbo-voice over din siya as Steve sa Tagalized version ng Voltes V.

Maine sosyal na, magku-cover na sa magazine at may sarili pang stylist

Sosyal si Maine Mendoza aka Yaya Dub dahil talagang ginagastusan siya ng TAPE, Inc. Sa kanyang pagsali sa wildcat edition ng Bulaga Pa More, Dabarkads Pa More mamaya sa Eat Bulaga na paglalabanan nila ni Alden Richards, they commissioned Liz Uy and her Stylized Studio para bihisan siya. Balita ring may pictorial na si Maine para sa isang glossy magazine at si Liz pa rin ang makakatrabaho niya. 

Kaya tiyak na dudumugin na naman ng fans ang Eat Bulaga mamaya dahil umaasa silang magkikita na rin sa wakas sina Alden at Maine kahit magkalaban sila sa contest. 

Album ni Alden kinabog sina Taylor Swift at Justin Bieber!

Congratulations naman kay Alden Richards dahil matapos i-release sa iTunes ang single ni­yang Wish I May mula sa GMA Records noong September 2, ay tinalo nito ang mga kasabay na What Do You Mean ni Justin Bieber na nag-number two at Wildest Dreams ni Taylor Swift na naging third place naman. 

Ang self-titled album din ni Alden na ni-release ng Universal Records in 2013 ay naging highest selling album among Philippine releases ayon sa iTunes.

vuukle comment

ACIRC

ALDEN RICHARDS

ALIGN

ANG

EAT BULAGA

JUSTIN BIEBER

LEFT

NBSP

QUOT

SIYA

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with