^

Pang Movies

Alden hindi nahulaan ng Starstruck ang pagsikat!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Natawa na lang kami sa naging sagot nila nang tanungin kung ano sa palagay nila talaga ang isang “star”. Ang sabi ni Regine Velasquez, na later on ay sinabi niyang ibinulong lang daw sa kanya ni Mark Herras ay “struck”. Pero tama sila sa pagsasabing wala ngang nakatitiyak kung sino ang maaaring maging isang star. Kaya nga tinatawag na “x factor” eh. Sa mathematics at maging sa science, basta sinabing “x”, ibig sabihin ay hindi tiyak.

Sino nga ba ang nakakaalam kung sino ang maaaring maging star? Kasi kung alam nila iyan sana hindi na sila nagkakamali. Sana marami na ring mga napasikat, pero maliwanag pa sa sikat ng araw na mas marami ang nabibigo sa showbusiness kaysa sa sumisikat.

Wala talagang exact formula. Hindi mo masasabi talaga. Maski nga ang sinasabing master showman, si Kuya Germs, na binibigyan ng kredito sa pagkakatuklas ng pinaka maraming stars na aktibo pa hanggang sa kasalukuyan dahil sa kanyang That’s Entertainment noong araw, hindi makapagsasabing alam niya agad kung sino ang magiging stars. Totoong marami siyang napasikat noong araw, pero kung iisipin na mahigit na 200 ang mga miyembro noon ng That’s Entertainment, aba eh wala sa kalahati ang sumikat kung ganoon.

Maski na iyong mga itinuturing na star builders, si Dr. Jose Perez halimbawa ng Sampaguita Pictures noong araw, na siyang lumikha ng maraming movie queens at matinee idols noong kanyang panahon, nagkaroon din ng share ng mga hindi sumikat sa kanyang bakuran.

Kaya sabihin mo man na sa ngayon ay pinaka sikat na talent search iyang Starstruck, na nakalikha na ng maraming stars, hindi mo rin masasabing lahat sila ay magtatagumpay.

Sabihin nating maganda ang kinalabasan ng career ng una nilang winner na si Mark Herras, matatanong mo naman nasaan na nga ba ang career ng mga sumunod sa kanya? Hindi pa rin nakaka-angat nang husto hanggang ngayon si Mike Tan, kaya sumasabak na lang muna sa mga sports activities dahil walang masyadong projects. Namatay na ang isa pa, si Marky Cielo. Si Aljur Abrenica naman ay halos wala na ring career sa ngayon. Iyong si Steven Silva nga ba ay nasaan na? Hindi mo talaga masasabi kung sino ang aangat eh.

Isang katotohanan din, si Alden Richards ay isang “reject” diyan sa Starstruck, pero tingnan ninyo kung gaano siya kasikat sa ngayon. Aba eh lampaso sa kanyang popularidad sa ngayon ang lahat ng male stars ng GMA-7, at nilalahat na namin iyan.

vuukle comment

ACIRC

ALDEN RICHARDS

ANG

DR. JOSE PEREZ

HINDI

KAYA

KUNG

KUYA GERMS

MARK HERRAS

MARKY CIELO

MASKI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with