^

Pang Movies

Nananaba na sa sobrang pagka-in love AiAi nahanap na ang huling mhin sa kanyang buhay

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Natuloy noong Biyernes ang pictorial namin para sa bagong showbiz oriented talk show ng GMA 7 na ipapalit sa Startalk.

Kasama ko sa pictorial sina AiAi delas Alas at Ricky Lo dahil iba ang schedule ni Papa Joey de Leon na manggagaling pa sa studio ng Eat Bulaga.

Dumalaw sa pictorial ni AiAi ang kanyang Papa Gerald Sibayan. In fairness kay AiAi, parang magkasing-edad lamang sila ng kanyang current inspiration na halatang maligaya sa lovelife nila dahil tumaba siya.

May feeling nga ako na parang si Gerald na ang huling mhin sa buhay ni AiAi dahil magkasundong-magkasundo sila sa kabila ng kanilang age gap. Parang si Hayden Kho, Jr. at Dra. Vicki Belo lang sila dahil mukhang magka-age din sina Mama Vicki at Hayden.

Angelu pinagtatawanan ang naging romansa nila ni Joko

Past is past para kay Angelu de Leon dahil maganda na ang buhay niya sa piling ng kanyang mister na si Wowie Rivera.

Hindi man sila magkaibigan ni Joko Diaz, civil si Angelu sa ama ng kanyang panganay na anak.

Natatawa na lang si Angelu kapag naaalaala nito ang so passionate love affair nila noon ni Joko. Ito ‘yung mga panahon na nagrerebelde siya laban sa nanay niya, sa ngalan ng pag-ibig.

Ibang-iba na ang Angelu na napapanood sa Buena Familia ng GMA 7 dahil malawak na ang kanyang pang-unawa at very positive ang pananaw niya sa buhay.

Lahat ng mga desisyon ni Angelu, ipinagdarasal niya sa Diyos dahil ito ang nakatulong kaya maligayang-maligaya siya na sa kanyang personal at professional life.

Mike Magat nag-sorry sa abalang dulot ng kilos-protesta ng mga taga-INC

Maingay na maingay ngayon ang Iglesia ni Cristo dahil sa kilos-protesta nila sa harap ng Department of Justice noong Huwebes at ang kanilang paglipat sa EDSA Shrine noong Biyernes.

Sumabay ang mga kilos-protesta ng INC members sa promo ng Felix Ma­nalo ng Viva Films.

Showing sa mga sinehan sa October 7 ang filmbio ng founder ng Iglesia ni Cristo at siguro naman, by that time, tapos na ang kanilang mga kilos-pro­testa laban kay DOJ Secretary Leila de Lima.

Loyal member ng INC ang character actor na si Mike Magat na may special participation sa Felix Manalo.

Active si Mike sa pagbibigay ng paliwanag at justification sa kilos-protesta sa harap ng EDSA Shrine ng kanyang mga kapatid sa pananampalataya.

Humingi si Mike ng pasensya sa mga kababayan natin na naistorbo ng mga kilos-protesta ng INC.

“Sa mga kababayan ko po na naiistorbo, pasensya na po at sa may mga malawak na kaisipan, one plus one lang naman po ang gusto ng INC hindi ba?

“Huwag po pakialaman ang relihiyon at unahin ang mga mas mahahalagang bagay sa problema ng bansa. Ngayon po, kung sa tingin ng iba na mali po ang ginagawa ng INC, hindi po namin kayo pipilitin eh hindi rin po matatapos ito kasi ang aming buhay at pananampalataya ay ialay namin sa Ama. Pasensya na po,” ang sey ni Mike.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANGELU

BIYERNES

BUENA FAMILIA

CRISTO

DAHIL

DEPARTMENT OF JUSTICE

EAT BULAGA

MGA

MIKE MAGAT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with