^

Pang Movies

Mga pari memoryado ang mga pinagdaanan ni Dingdong sa ‘simbahan’

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Nice to see a healthier Fr. Erick Santos nang i-officiate niya ang thanksgiving Mass ng faith serye ng GMA-7 na Pari ‘Koy at kasabay na rin ang birthday ng bida ng serye na si Dingdong Dantes who turned 35 yesterday, August 2 (pahiram ng mga pics mo sa Instagram account mo, Allan Diones). Ginanap sa 17th floor ng GMA Network ang Holy Mass last Saturday evening at present si Direk Maryo J. delos Reyes, ang buong cast ng serye, mga executives ng GMA Entertainment TV, at naroon din ang preggy wife ni Dingdong, si Marian Rivera, his Mom Angeline and other siblings.  

Sa Homily, siyempre ang mga patawa ni Fr. Erick, na kilalang comedian priest. Kilala niya ang mga character ng serye dahil siya ang consultant ng production pagdating sa mga gawaing pangsimbahan sa story. 

After the Holy Mass, they prayed over Dingdong.  

Balitang may mga papasok pang special guests sa serye at isa si Nora Aunor na magti-taping na ngayong Lunes ng kanyang mga eksena. First time na makakatrabaho ni Guy si Ding­dong. Kailan kaya magti-taping si Marian for her guest role sa serye na sabi’y magwawakas na sa August 21, after ng tatlong extensions?

Jennylyn excited nang pagsabayin sina Dennis at Mikael

Ready na raw si Jennylyn Mercado na ma-bash ng mga te­leviewers and netizens sa bago niyang role sa My Faithful Husband na siya ang magtataksil sa kanyang asawang si Emman, played by Dennis Trillo.  Sigurado raw na ayaw ng mga manonood ng isang babaing nagtaksil sa kanyang asawa at hindi sila makiki-sympathize sa kanyang role.

“Big challenge po sa akin ang bagong role ko dahil madalas ako ang inaapi, iniiwanan ng sweetheart or ng asawa, pero dito nga, ako ang two timer dahil nang bumalik ang dati kong boyfriend at ama ng anak ko na inako ni Emman, si Dean, played by Mikael Daez, matutukso akong bumalik sa kanya kaya magugulo ang buhay namin ni Emman at ng pamilya namin,” kuwento ni Jennylyn.  

“Pero may request muna ako sa mga manonood ng soap namin simula sa August 10, panoorin muna ninyo ang kabuuan ng story, bago ninyo ako husgahan.”

Ngayong muli silang nagtambal ni Dennis, nagkabalikan na ba sila talaga kahit off-camera lamang?

“Siya (Dennis) na lamang ang tanungin nyo,” Basta na-excite ako nang malaman kong muli kaming magtatambal ni Dennis, five years ago pa iyong last drama series na ginawa namin, ang Gumapang Ka Sa Lusak. Excited kaming malaman kung gusto pa ba kaming mapanood ng mga televiewers. Nagpapasalamat kami sa GMA dahil ibinigay nila sa amin si Bb. Joyce Bernal para mag-handle sa amin. First time namin ni Dennis na ma-handle niya at iba rin ang style niya. Mabusisi si Bb. Joyce pero masaya at relaxed ang set namin, pero tutok siya sa mga artista kapag kinukunan na ang mga eksena. Gusto niya mai-deliver ng bawat artista ang e­xact emotions na gusto niya. Marami, marami akong natutunan sa kanya.”

Natawa si Jennylyn nang tanungin kung okey ba sa kanya ang sinabi ni Bb. Joyce na marami siyang sizzling scenes, hindi lamang kay Dennis kundi kay Mikael din. Hindi pa raw nila nakukunan ang mga eksenang iyon at biro niya exciting kapag nagkataon.

vuukle comment

ACIRC

AFTER THE HOLY MASS

ALLAN DIONES

ANG

DENNIS

DENNIS TRILLO

DINGDONG DANTES

EMMAN

JENNYLYN

MGA

NBSP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with