^

Pang Movies

Heart gustong takasan si Sen. Chiz sa Japan para maka-shopping

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Masayang humarap si Heart Evangelista sa event ng Cream Silk last Friday sa 2nds Bar sa Bonifacio High Street sa Taguig City para sa kick-off ng advocacy nila. May launching sila ng short film na may title na Cream Silk Portraits: Stories of World-Class Filipinas. 

Bale ba halos 17 years na palang endorser si Heart ng Cream Silk, kaya proud na proud ito na naging part ito ng kanyang journey sa personal life man o ma­ging sa showbiz career hanggang ngayong Mrs. Chiz Escudero na siya. 

Mas honored pa si Heart dahil isa siya sa featured celebrities kasama sina Lea Salonga, Toni Gonzaga, at Anne Curtis sa big celebration ng kanilang Cream Silk Portraits sa naturang advocacy ng brand  na ang layunin ay ma-inspire pa lalo ang mga kababaihan to achieve limitless possibilities.

Pare-parehong wala sina Lea, Toni, at Anne sa event, kaya tanging si Heart lang muna ang nag-represent ng world-class Filipina sa event. Naka-relate rin siya sa mga pinagdadaanan ng ladies of today, na hindi sumusuko na harapin ang takot at magtagumpay sa buhay.

Siyempre, absorb na absorb ni Heart ang mission ng Cream Silk brand na may theme na Beyond Beautiful Filipina sa bigger at more exciting stages na kinakaharap ng mga ito.

Share ni Heart na natuto siyang lumabas sa kanyang comfort zone at unti-unting natutong tumayo sa sariling mga paa. Sabi pa ni Mrs. Escudero dati hindi niya alam kung paano i-process ang manager’s check, pero ngayon ay siya na mismo ang nag-aayos nito. Bilang ipinanganak na mayaman si Heart, ngayon ay may alam na rin siya sa paglalaba na para lang daw siyang nag-ala-Sarah Jessica Parker ng Sex in the City.

Hindi rin naging madalian para kay Heart ang pagpi-paint na sinimulan niya noong bata siya sa simpleng diary lang. Pero tingnan n’yo ngayon at umabot na sa Singapore ang kanyang painting exhibit, pagkatapos ng successful launch nito kamakailan sa Ayala Museum. 

Speaking of Chiz, plano ng mag-asawa na pumunta sa Japan ngayong Holy Week para sa kanilang mini-honeymoon, pero hindi nila kasama ang kambal ng Senador.

Excited na si Heart para maka-sight ng Cherry Blossoms. Hindi lang niya alam kung makakatakas siya kay Chiz para makapag-shopping na aminadong shopaholic.

 

 

vuukle comment

ANNE CURTIS

AYALA MUSEUM

BEYOND BEAUTIFUL FILIPINA

BONIFACIO HIGH STREET

CHERRY BLOSSOMS

CHIZ ESCUDERO

CREAM SILK

CREAM SILK PORTRAITS

HEART

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with