^

Pang Movies

Daniel at Diego Loyzaga nagpalitan ng GF!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Nagsisimula pa lang humarap sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo para sa press conference ng kanilang pelikulang Crazy Beautiful You, iisa agad ang narinig naming comment, “na­ngangamoy kikita ang pelikulang ‘yan.” Of course wala nang dudang kikita ang pelikula nila dahil kina Daniel at Kathryn. Eh makita lang ang dalawa nagtitilian na ang mga fans, iyon pa kayang mapapanood sila sa romantic movie? Marami nga ang nagsasabi, sayang hindi inilabas ng Valentine’s day.

Minsan masasabi mong iyon lang ang sikreto talaga eh. Basta kumuha ka ng mga sikat na artista, in this case sila ang pinaka-sikat na love team sa nga­yon, tiyak na kikita ang pelikula. Iyon ang isang bagay na hindi ma-realize ng mga tao sa industriya. Pilit nilang ginigiba ang “star system”, kasi nga naman ilan lang ang kumikita, at naiisip ng mga producer na kung hindi masisira iyon, habang panahong maghihirap sila sa pagpapasikat ng isang artista, at kung sikat na susuyuin naman nila. Pero hindi puwedeng wala iyan dahil kung walang malaking stars, sino nga ba ang magbabayad ng P200 para mapanood ang mga pelikula nila?

Hindi ba iyon nga ang failure ng mga pelikulang indie. Ang mga artista nila kung ‘di walang name, laos na. Pero halimbawa ang mga kagaya nina Da­niel at Kathryn ang gagawa ng indie, kikita iyan. Pero hindi na nga indie iyon dahil sa talent fee pa lamang nila. Hindi na ninyo puwedeng bayaran ng barya-barya lalo na si Daniel ngayon.

At saka ang advantage nina Daniel at Kathryn, naroroon ang ilusyon ng fans sa love team nila. Hindi kagaya ng iba na alam naman ng publiko na hindi totoo at pinipilit lamang mabuo ang love team. Isa pa, walang masamang issue laban kanino man kina Daniel at Kathryn. May mga sumisira, pero hindi pinapansin ng kanilang fans. Basta sa kanila sina Daniel at Kathryn ang ideal love team.

Pero may tsismis na kumakalat. Iyon daw syota ni Diego Loyzaga na si Zharme Arriola ay ex ni Daniel Padilla. Ang nakakatawa, iyon daw naman si Kathryn Bernardo ay ex ni Diego. Pero wala na iyan dahil sa ngayon nga ay sina Daniel at Kathryn na.

Kuya Germs nanood ng concert kahit naka-wheelchair

Siguro nga talagang inip na inip na si Kuya Germs, at kahit na sabihin pang hindi pa siya makalakad nang husto, talagang lumalabas na siya ng bahay. Nagulat kami sa kuwento ng isa naming colleague na si Pilar Mateo na duma­ting nga raw si Kuya Germs sa isang concert pero naka-wheel chair pa. Mas lalong nakakabigla ang kuwento na nagpunta raw ang master showman sa GMA 7, at nakipag-usap sa ilang production executives. Pero hindi pa siya lalabas sa kanyang show.

Nakakatuwa ngang mabilis ang kanyang pagga­ling. Baka nga raw hindi na siya kailangang dalhin pa sa US kagaya noong naunang plano para sa rehab. Kasi ok naman daw ang response niya sa ginagawang rehab sa kanya sa ospital dito sa atin.

Aktor huli na namang lasing

Lasing na naman ang male star, at napaka-ingay niya, kasama ang kanyang mga barkada na para bang walang ibang taong nakakakita sa kanya. Kami mismo ang nakakita dahil nasalubong namin eh. Sayang ang mga ganyang tao. Hindi naman lahat nagkakaroon ng magandang pagkakataon sa showbusiness. Tapos nagkaroon na nga ng chance sasa­yangin pa dahil lang sa bisyo.

Pero kung iisipin, dapat bang panghinaya­ngan ang mga taong ganyan?

vuukle comment

DANIEL

DANIEL PADILLA

KATHRYN

KUYA GERMS

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with