^

Pang Movies

Sexy actor ginamit sa negosyo ang male personality na walang masyadong trabaho para makatsugihan?!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Kinumpirma ng aming reliable source na boy toy ng dating sexy actor ang male celebrity na ito na produkto ng isang reality show.

Nakita ngang magkasama ang dalawa palabas ng isang kilalang bar sa Bonifacio Global City at sa iisang sasakyan lang sila sumakay.

Noon pa natsitsismis ang dating sexy actor sa male celebrity. Usap-usapan sa mga gay blog sites na binayaran ng malaki ni sexy actor ang male celebrity noon para maka-one night stand niya ito.

Inaalam pa ni dating sexy actor kung sino sa mga male celebrities ngayon ang walang mga trabaho sa TV. Kaya ito ang mga binibiktima niya sa pag-alok ng malaking datung. Alam niyang kakagat ang mga ito dahil may nakasanayan na ang mga ito na lifestyle sa showbiz.

Nauwi na nga raw sa seryosohan ang relasyon ng dalawa dahil kahit may nababalitang karelasyon na mayamang bading si male celebrity, patuloy pa rin ang pakikipagkita niya sa dating sexy actor.

Rason ni male celebrity kung bakit madalas silang magkasama ni dating sexy actor ay dahil sa negosyo nito at tinutulungan siyang rumaket.

May negosyo kasi si dating sexy actor na naging successful at marami na itong clients. Dahil sa nag-expand na ang business niya, tinawagan niya ang male celebrity para tulungan siya sa pag-asikaso ng mga kliyente.

May komisyon lang daw si male celebrity sa bawat client na makukuha niya. Alam daw ng dating sexy actor na walang regular na trabaho si male celebrity dahil nagkaroon na raw ito ng attitude.

Pinagsabihan naman siya ni sexy actor na hindi uubra ang magkaroon ng attitude sa negosyo niya. Kailangan lang daw ay bukas ang isipan nito at ang ikaliligaya ng kanyang mga client  ang importante.

Nag-demonstrate ang dating sexy actor kung paano siya makikipag-usap sa kanyang mga possible clients. May kasama raw lambing parati at kung ano ang hilingin nila ay dapat na ibigay niya.

Kahit na raw ang hiling ng kliyente ay mag-sex sila, kung sigurado naman daw na makukuha niya ito, pagbibigyan niya ito para sa ikalalago pa ng negosyo.

Social media accounts ni Taylor Swift na-hack

Na-hack ang Twitter at Instagram accounts ng pop and country superstar na si Taylor Swift.

Pero mabilis naaksyunan ng Twitter ang mga “rogue” posts ng hackers na ikina-relieve ng 51.4 million followers ni Taylor.

Sa kanyang Tumblr page, nag-post ang 25-year-old singer ng mensahe para sa kanyang fans na huwag mag-alala ang mga ito.

“My Twitter got hacked but don’t worry, Twitter is deleting the hacker tweets and locking my account until they can figure out how this happened and get me new passwords.”

Pagkatapos ng dalawang oras ay nagtu-tweet na si Taylor ulit.

Kabilang si Taylor sa mga nabiktimang celebrities ng hacking on social media. Na-hack din ang mga social media accounts nila Jennifer Lawrence, Ariana Grande, Rihanna, Nicki Minaj at marami pang iba.

vuukle comment

ACTOR

CELEBRITY

DATING

MALE

NIYA

SEXY

TAYLOR

TAYLOR SWIFT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with