^

Pang Movies

Pero friends lang daw talaga, KC at Paulo parang may relasyon ang galaw

- Vinia Vivar - Pang-masa

Humarap sa press sina KC Concepcion at Paulo Avelino kahapon para sa episode nila ng Give Love on Christmas titled Exchange Gift. As we all know, matagal nang nali-link ang dalawa at bagama’t up to now ay wala pa silang inaamin, persistent ang rumor na talagang nagkakamabutihan na sila.

At kitang-kita naman sa presscon na may something beautiful going on sa kanila. ‘Yun nga lang, nang tanungin sila, ‘yun pa rin ang kanilang dialogue, na friends lang sila. For now.

Ayon kay KC, ang lahat daw naman kasi ay may timing.

“Siguro po, timing is everything talaga, at saka kung gugustuhin man ni God or ano, ‘di ba , wala naman tayong kontrol sa mangyayari. He’s (Paulo) at the age na marami pa siyang gustong gawin. Ako rin po. Right now, we’re happy na may ginawa kami together, na masaya kami and happiness kasi exciting ‘yung mga scenes, tapos parang comedy, light.

“And parang first time rin namin to involved each other sa isang professional ano na naman kasi for four years since MMK, puro kami personal ano.

 “So, kung magtutuluy-tuloy na maganda ‘yung meron kami, kung friendship ba ‘yun or ‘yung connection namin, kung magtutuluy-tuloy na magkain­tindihan, na suportahan namin ang isa’t isa na maging better people, na mag-improve, siyempre, ba’t n’yo naman ipapasok ang isang tao sa buhay ninyo kung ikasasama mo naman ‘yun. And so far, parang okay naman.

“As long as magtuloy-tuloy po ‘yun, we don’t know,” sabi ni KC.

Pero ang rebelasyon, umamin sila pareho na crush nila ang isa’t isa.

“Minsan lang po ako magka-crush. Ang baduy ko talaga,” say ni KC. “Pero ‘yun nga, crush ko siya before. So, siyempre, for a girl, maganda rin na parang naka-work mo ‘yung (crush mo). Totoo naman po talaga na ‘yung mga mata niya, ganyan,” sabi ni KC.

Kaya nga raw sa mga eksena nila sa Exhange Gift, parang totoong-totoo ang mga kilig scenes nila.

“Sabi nga nila para lang silang nanonood ng reality show. May mga time na parang nadadala ako sa adlib, kasi natutuwa lang ako sa situation. ‘Yung mga eksenang ganu’n, parang naeenganyo akong mas gawin pang ano ‘yung scenes,” she said.

Ayon naman kay Paulo, medyo aware naman daw siya na crush siya noon ni KC dahil parang may nagbanggit na sa kanya before.

“Crush ko rin siya, so, parang nakakatuwa na ‘yung ka-eksena mo,  crush mo, tapos sobrang ganda, parang minsan, parang nakakalimutan mo na ‘yung linya mo, nasasabi mo na talaga ‘yung gusto mong sabihin, napapa-adlib ka, nakaka-mesmerize naman talaga ang beauty ni KC,” say ni Paulo na ikinakilig ng lahat.

Hmm, mukhang magtutuloy-tuloy na nga sa magandang lugar ang pagkakamabutihang ito.

Samantala, sa Enero 5 na magsisimula ang Exchange Gift.

Jasmine nakilala si Bonifacio kay Robin

Ayon kay Jasmine Curtis, dahil lang sa paggawa niya ng pelikulang Bonifacio: Ang Unang Pangulo siya nagkaroon ng kaalaman tungkol sa ating bayaning si Andres Bonifacio.

“Prior to this, hindi ko naman po talaga alam ‘yung story ni Bonifcaio. Nakilala ko lang naman po talaga siya tru Tito Robin (Padilla who’s portraying Bonifacio), and the script and this film really actually opened my eyes kung paano ba talaga siya namuno. Kung paano niya dinala ang lahat ng tao para may kapayapaan, para ‘yung dignidad ng mga Pilipino ay ma-rescue niya, paano ko ba ita-Tagalog ‘yun?” sabi ni Jasmine.

Limited lang nga raw ang alam niya sa history ng Pilipinas dahil grade school lang naman daw siya nag-aral dito sa atin at pagkatapos nga ay nagpunta na ng Australia.

Nang marinig daw niya ang mga kwento ni Robin tungkol kay Bonifacio habang nagsu-shooting sila, sobrang naging interesado raw siya at isine-share na rin daw niya sa ibang tao.

“Talagang nae-enjoy kong i-share sa mga tao kung bakit nila kailangang panoorin ang Bonifacio,” say pa ng younger sister ni Anne Curtis.

vuukle comment

AYON

BONIFACIO

LANG

NAMAN

PARANG

SIYA

YUNG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with