^

Pang Movies

Nanutok ng tatlong pulis ex husband ni Aiko nasa kulungan pa rin

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Walang mga update si Martin Jickain sa kanyang social media account tungkol sa latest activities niya dahil kalaboso siya sa Pasay City Jail, ang parusa sa panunutok niya ng baril sa tatlong pulis.

Siguradong hindi ilalagay ni Martin sa social media ang panunutok niya ng baril at ang kanyang pagkakakulong.

Kung kailan malapit na ang Pasko, saka pa nasangkot sa gulo ang ex-dyowa ni Aiko Melendez.

Madaling-araw ng Biyernes  nang arestuhin si Martin at ang kapwa akusado nito. Kapag hindi nakapagpiyansa ang dalawa noong Bi­yernes, tiyak na matatagalan sila sa kulungan dahil walang pasok kahapon at ngayon.

Ulam at Flight 666 ng Shake pinagtatalunan kung alin ang mas maganda

Iba’t iba ang opinyon ng mga dumalo sa special screening ng Shake, Rattle & Roll XV dahil may mga nagsasabi na pinakamaganda ang Ulam episode pero para naman sa iba, ang Flight 666 ang nagustuhan nila.

Si Jerrold Tarog ang direktor ng Ulam at mula sa direksyon ni Perci Intalan ang Flight 666.

Hindi ko pa napapanood ang Shake, Rattle & Roll XV kaya hindi ako makapag-comment. Basta ang alam ko, satisfied na satisfied si Mother Lily Monteverde sa trabaho nina Jerrold at Perci. Hindi nanghinayang si Mother sa ginastos niya sa Shake, Rattle & Roll XV dahil nagustuhan niya ang finished product.

Dingdong nagpapapayat para sa kasal nila ni Marian

Guest namin kahapon sa Startalk ang aking “inaanak” na si Dingdong Dantes dahil nag-promote siya ng Kubot: The Aswang Chronicles 2.

Magiging busy na si Dingdong sa susunod na linggo kaya ang pag-apir niya kahapon sa Startalk ang last TV appearance niya sa aming show bago siya maging legal husband ni Marian Rivera.

Bilib ako sa disiplina ni Dingdong sa katawan dahil nang huli kaming magkita, parang tumaba ang tingin ko sa kanya pero pumayat siya nang mag-guest kahapon sa Startalk. Kinarir yata ni Dingdong ang pagbabawas ng timbang bilang paghahanda sa nalalapit na pag-iisang dibdib nila ni Marian.

Officially, inaanak ko na si Dingdong dahil kabilang ako sa mga ninang sa kasal nila ni Marian sa December 30.

Uulitin ko ang sinabi ko noon na malaking karangalan sa akin na mapili bilang isa sa mga ninang sa kasal nina Marian at Dingdong.

Matunog na “Ninang” na nga ang tawag sa akin ni Marian sa tuwing nagkikita kami sa parlor ni Bambbi Fuentes.

Nag-disappearing act…

Mama Salve, upset ako noong Biyernes dahil naiwan ko sa presscon ng Once Upon a Kiss ang press kit na ibinigay sa akin.

Wish ko lang, may magbalik sa akin ng press kit na hindi sinasadya na naiwan ko sa table.

Sa dami ng mawawala sa mga bitbit ko, ang press kit pa ng bagong primetime show ng GMA 7 ang nag-disappearing act.

vuukle comment

AIKO MELENDEZ

ASWANG CHRONICLES

BAMBBI FUENTES

BIYERNES

DAHIL

DINGDONG

DINGDONG DANTES

STARTALK

ULAM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with