^

Pang Movies

Madatung talaga, hindi na kailangan ng mga pakimkim ‘kikitain’ nina Dingdong at Marian sa kasal, mapupunta sa iba’t ibang foundation!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Ang My Big Bossing ang first entry sa 40th Metro Manila Film Festival (MMFF) na nagkaroon na ng grand presscon at dinaluhan ng main cast led by Bossing Vic Sotto, Marian Rivera, Nikki Gil, Pauleen Luna, Alonzo Muhlach with Dad Niño Muhlach at si Aling Maliit Ryzza Mae Dizon. Present din sina Director Tony Y. Reyes at Bb. Joyce Barnal. Kapansin-pansin ang billing ng mo­vie na palagay naman namin ay walang nagreklamo.  

Magkapantay ang billing nina Bossing Vic at Ryzza Mae, dahil sa tatlong episodes ng movie, na­­roon silang da­lawa. Ikinuwento ni Bossing Vic ang story ng Sirena directed by Tony Y. Reyes na tam­pok din sina Manilyn Reynes, Wally Bayola, at Pauleen Luna.  Ang Taktak episode ay horror-comedy directed by Marlon Rivera na tampok si Marian Rivera, kasama si Jose Manalo.  Ang Prinsesa ay fantasy episode, directed by Bb. Joyce Bernal na tampok sina Zoren Legaspi, Nikki Gil, Niño at introducing si Alonzo.                                          

Maraming humanga kay Marian Rivera na kahit daw dapat ay nagpapahinga na dahil para sa nalalapit na kasal, ay um-attend pa rin ng presscon.  For the love of Bossing Vic pero nagustuhan daw niya ang story ng Taktak at first time niyang gumanap bilang isang TV Executive Producer, si Clarissa at magkatulong sila ni Vince (Vic Sotto) na isang investigative TV reporter na mag-i-expose ng isang scam tungkol kay Angel (Ryzza Mae).

Since, isa si Bossing Vic sa mga ninong nina Marian at Dingdong Dantes sa wedding nila, tinanong si Marian kung libre raw ang talent fee niya. Sagot ni Marian, hindi libre ang talent fee niya.  At ang wedding cash presents na matatanggap nila sa kasal ay mapupunta lamang lahat sa mapipili nilang foundations.  Pero ayaw pa niyang magbigay ng detalye. Ang asawa raw niyang si Dingdong ang ma­mamahala roon pagkatapos ng kasal nila dahil alam daw nito kung saan-saang foundations dapat mapunta iyon.

Planado na talaga ang schedules ni Marian hanggang bago sila ikasal ni Dingdong. After the presscon nga, tumuloy siya sa send-off party ng lahat ng fans club nilang dalawa sa Camp Aguinaldo.  May mga tinapos na rin siyang pictorials for Muse and Preview glossy magazines na lalabas next month, December. Sa December 3 ang formal event na Despedida de Soltera at balita naming may pre-nuptial party pang ibibigay sa kanila aboard a yatch.

Marian will also attend the premiere night of My Big Bossing sa SM Megamall Cine­ma 10 on December 22 at sasakay siya sa float, kasama ng buong cast, sa MMFF parade of stars sa December 23.  After that, beauty rest na ba si Marian?

 

vuukle comment

ALING MALIIT RYZZA MAE DIZON

ALONZO MUHLACH

BOSSING VIC

MARIAN

MARIAN RIVERA

NIKKI GIL

PAULEEN LUNA

RYZZA MAE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with