^

Pang Movies

Haters hanggang Pasko pa mauumay bridal shower at pre-nup parties para kina Dingdong at Marian hindi pa rin tapos

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Totoo ngang ang haba ng hair ni Marian Rive­ra at totoo palang napaka-organize ni Dingdong Dantes sa lahat ng ginagawa niya. Nang i-post ni Dingdong sa kanyang Instagram (IG) account ang ipi­naayos niyang 1976 sedan at isa nang cadillac ngayon, tiyak na after ng una niyang proposal sa girl­friend noong 2012, sigurado na siyang sa kasalan matutuloy ang relasyon nila. Kaya ang golden orange Cadillac ang sasakyan ng bride-to-be niyang si Marian, sa December 30, papunta sa Cathedral of the Immaculate Concepcion in Cubao, Quezon City. Naalaala tuloy namin si Dingdong na tuwing magba­bakasyon silang dalawa, dito man o abroad, siya lamang ang nag-aayos kung saan sila pupunta, kaya kapag tinanong mo si Marian kung saan sila pu­punta, laging sagot niya, “ewan ko kay Dong, basta sinabi lang niya kung ano ang damit o outfit na dapat kong dalhin.”

Last Sunday, ginanap ang #5thBri­dalShowerNiYan sa Crimson Hotel in Alabang, Spanish style, given by Ms. Celia Rodriguez at inimbita nito ang mga lady executives ng GMA at mga nakasama ni Marian sa mga shows niya including si ­Aling Maliit Ryzza Mae Dizon na flo­wer girl niya sa wedding, mga classmates ni Marian sa De La Salle University sa Dasmariñas, Cavite at ilan pang kaibigan. Nag-post si Teena Barretto sa kanyang IG ng: “Ma­rian, we are halfway done with all the pre-wedding events. You are loved by many! Hanggang Pasko pa mauumay ang haters.” Today ang pre-nup party kina Ma­rian at Dingdong na bigay ng kanilang fans, may susunod pa kayang bridal shower for Ma­rian?

Medyo pahinga na muna si Dingdong dahil last Sunday, natapos na niya ang shooting ng Kubot: The Aswang Chronicles 2 na entry sa coming Metro Manila Film Festival (MMFF) sa December at natapos na rin ni Marian ang cameo role niya sa movie.

Lovi at Rocco nag-date muna ‘kasama’ si Pacman bago naghiwalay

Nag-date muna sina Lovi Poe at Rocco Nacino bago umalis kahapon for Japan si Lovi. Magkasama silang nanood ng pay-per-view ng fight ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao vs Chris Algieri last Sunday saka sila magkasamang nag-lunch. Two weeks vacation with her mommy si Lovi sa Japan dahil natapos na rin niya ang dubbing ng Flight 666 episode nila ni Dennis Trillo sa Shake, Rattle & Roll XV na entry ng Regal Entertainment sa coming MMFF sa December.

Naiwan nga ni Lovi si Rocco dahil hindi na siya puwedeng magpaalam sa taping ng Hiram na Alaala na malalaking eksena na ang kinukunan sa kanila nina Dennis, Kris Bernal, and Lauren Young. Patapos na kasi ang soap na pansamantalang idinidirek ni Ricky Davao ngayon habang nasa New York si Direk Dominic Zapata na nag-attend ng Emmy Awards with Program Manager Helen Rose Sese at scriptwriter Suzette Doctolero. Nominated sa prestigious movie and television awards ang My Husband’s Lover.

Si Dennis naman ang mag-aattend sa Asian Television Festival sa December 11 sa Singapore, para rin sa My Husband’s Lover. Parehong nominated sa pinag-usapang bekiserye sina Dennis at Direk Dom, sa Best Actor at Best Director cate­gory respectively.

vuukle comment

ALING MALIIT RYZZA MAE DIZON

ASIAN TELEVISION FESTIVAL

ASWANG CHRONICLES

BEST ACTOR

BEST DIRECTOR

LOVI

MY HUSBAND

NIYA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with