^

Pang Movies

Isang text lang ang katapat hot model ang daling bumigay sa beki celeb

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Pinuntirya ng isang beki celebrity ang isang hot model na lumalabas din paminsan-minsan sa TV.  Eh, habulin ng mga bading ang modelo pero mailap.

Kaso, may charm ang beki celeb kaya naman nagawa niyang maibuking ito. Sapat na sa beki ‘yung makaromansa ang modelo pero laking gulat niya nang may kakaiba pala itong talento sa sex!

Kasi naman, hindi lang siya pahada kundi kaya rin niyang humada, huh! Ibig sabihin, “sing and dance” ang modelo kaya naman super-super ang ligayang nadama ng beki celeb na kapag type pahada sa modelo ay one text away lang siya, huh!

Marian at Dingdong hahataw sa concert ni Julie Anne

Walang isyu kay Julie Anne San Jose kung sakaling hindi present ang dating ka-loveteam na si Elmo Magalona sa unang major concert niyang Hologram sa SM MOA Arena sa December 13.

Hindi rin daw totoo ang tsismis na humagulgol siya dahil sa pagtanggi ng ina ni Elmo na si Pia Magalona na maging guest. Kampante naman daw ang singer-actress sa guests niya gaya nina Christian Bautista, Sam Concepcion, Jonalyn Viray, Frencheska Farr, at iba pa.

Of course komo nga homegrown talent ng GMA si Julie Anne, dinamihan na rin daw sana ang guests niya gaya nina Dingdong Dantes, at Marian Ri­ve­ra na kasama niya sa dance musical na Marian.

Ilang weeks pa naman bago ang Hologram concert ni Julie Anne. Malay natin, magbago ang ihip ng hangin at dumagsa ang guests niya sa concert, huh!

Luis simpleng kasalan lang ang plano

Walang puwang kay Luis Manzano ang pre-nuptial agreement nila ni Angel Locsin. Sa isang interview, never nilang napag-uusapan ang bagay na ito ng girlfriend.

Feeling ni Luis, mas mayaman sa kanya si Angel. Nalaman niya ang kinikita nito sa advertising circle sa commercials kaya mas angat talaga sa kanya ang girlfriend.

Wala pang engagement na magaganap kina Luis at Angel. Pero ayon sa host-actor, kung ikakasal sila, gusto niyang maging simple lang ang seremonya kasama ang pamilya at malalapit na kaibigan.

Akting ni Daniel sa Pangako… binabantayan kung mapapantayan si Echo

Mukhang tuluy na tuloy na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na magbibida sa remake ng Pangako Sa ‘Yo na unang ginawa ng loveteam nina Kristine Hermosa at Jericho Rosales.

Of course, hindi maiiwasan na ikumpara ang akting ni Daniel kay Echo na baguhan pa lang noon ay kinakitaan na ng lalim sa pag-arte. Nadadala niya si Kristine sa madadramang eksena na alam naman ng karamihan na mababaw ang akting.

Eh, between Daniel and Kathryn, mas batak sa pag-arte ang Teen Queen. Eh si Daniel, hindi pa ganoon kalalim ang pag-arte niya.

So once matuloy, it will be the other way around na babae naman ang magdadala sa kaparehang lalaki upang maging pabuloso ang akting niya, huh!

 

 

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

CHRISTIAN BAUTISTA

DANIEL AND KATHRYN

DANIEL PADILLA

DINGDONG DANTES

ELMO MAGALONA

JULIE ANNE

LUIS

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with