^

Pang Movies

Julie tanggap na inayawan siya ni Elmo

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Diretsong sinagot ng ti­naguriang Asia’s Pop Sweetheart na si Julie Anne San Jose ang mga intriga sa presscon ng first major concert niyang Hologram sa SM Mall of Asia Arena on December 13, 2014 (12.13.14). Bago kasi ang presscon given by GMA Network and GMA Artist Center, nabalitang umiyak siya nang hindi pumayag si Pia Magalona, mother ng dating ka-love team na si Elmo Magalona, na mag-guest sa concert niya ang young actor. Hindi raw siya umiyak at hindi niya alam na may ganoong issue. Sinabihan na raw siya na hindi pwedeng mag-guest si Elmo dahil may prior commitment na ito. Mga fans daw nila ni Elmo ang gustong mag-guest ito sa concert niya, pero okey daw lamang sa kanya kung hindi puwede dahil maraming beses na rin daw namang nag-guest si Elmo sa mga previous concert niya.

“Saka marami na rin po akong ibang guests sa concert, sina Christian Bautista, Sam Concepcion, Abra, Fren­­cheska Farr, at Jonalyn Viray,” sabi ni Julie Ann. “Natawa nga rin po ako nang malamang kong inili-link din ako kay Abra, pero nagkasama na kami nang mag-guest siya sa Ma­rian. Then, magkasama po kami sa Kubot: The Aswang Chronicles 2 ni Kuya Dingdong Dantes. Kami ni Abra ang gagawa ng armas na papatay sa mga aswang. Excited nga rin po ako sa first movie ko (na entry sa coming Metro Manila Film Festival (MMFF) sa December at sasakay kami sa float sa parade of stars sa December 23.”

Sa tanong bakit Hologram ang title ng concert niya, naisip daw ito ng producer niyang si Robbie Tarroza dahil siya raw ang first local artist na ga­gamit ng Hologram machine na magpapakita ng awe­some display of visual effects in a big concert na tulad ng gagawin niya. In fact, ito ang opening number niya, na she will be dancing with an array of Julie Anne San Jose through Hologram. Si Mark Lopez ang musical director ng concert na ididirek ni Louie Ignacio.

Erich natuyuan sa pagiging ahas

First time ni Erich Gon­zales na gumawa ng movie sa Regal Entertainment kaya honored siya na nakasama sa pinag-uusapang Shake, Rattle & Roll tuwing darating ang MMFF. Thankful si Erich na siya ang bida sa episode na Ahas na idinirek ni Dondon Santos for Shake, Rattle & Roll XV. Challenge sa kanya ang dual role bilang isang tao at isang ahas. Ang laki kasi ng ahas, 20 feet, kaya kapag nagta-transform siya rito, inaabot siya ng five hours habang ikinakabit sa kanya ang snake skin. Mahirap na kapag ahas na siya, itinataas siya ng 20 feet habang nagsasalita. Mahirap din ang confrontation scene niya bilang tao at bilang ahas.

“Mahirap, physically and emotionally drai­ning ang eksena, pero masaya rin ako pagkatapos kapag nagawa ko ang hinihingi ng role at ni Direk Dondon,” sabi ni Erich.

Ang dalawa pang episodes ng SRR XV ay ang Ulam nina Carla Abellana at Dennis Trillo directed by Jerold Tarog at ang star-studded na Flight 666 na pinangungunahan ni Lovi Poe, directed by Perci Intalan.

 

vuukle comment

ABRA

CONCERT

ELMO

ERICH

JULIE ANNE SAN JOSE

MAHIRAP

NIYA

SHY

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with